Toni Fowler nilingkis si Vice Ganda: 'Perstaym may baklang hindi nandidiri sa 'kin' | Bandera

Toni Fowler nilingkis si Vice Ganda: ‘Perstaym may baklang hindi nandidiri sa ‘kin’

Ervin Santiago |June 26,2023
facebook
share this

Toni Fowler nilingkis si Vice Ganda: ‘Perstaym may baklang hindi nandidiri sa ‘kin’

Ervin Santiago - June 26, 2023 - 11:59 AM

ALIW na aliw ang mga netizens sa latest photo ni Toni Fowler sa social media kasama ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga supporters ni Toni ang litrato nila ni Vice na ibinahagi niya sa kanyang Instagram page nitong nagdaang Sabado, June 24. 

Sa nasabing picture, makikita si Toni suot ang kanyang sexy OOTD habang nakalingkis kay Vice na kuha nang magkita sila sa isang event. 

Tawang-tawa naman ang TV host-comedian sa ginawa sa kanya ng sikat na content creator at tila walang paki sa pagyakap at pagpulupot ng hita nito sa kanyang katawan. 

“Perstaym may baklang hindi nandidiri sakin,” ang maikling caption na inilagay ni Toni sa kanyang IG post na kilala rin bilang si Mommy Oni.

Baka Bet Mo: Toni Fowler umaming ‘naadik’ sa pagpaparetoke: Hangga’t safe at kaya ng katawan…

Nakakaloka rin ang mga reaksyon ng netizens na mababasa sa comment section.

“Sana magka movie po kayong dalawa. sa dec 25.”

“Akala mo lang di nandidiri sayo si meme vice nung gumanyan ka sa kanya pero deep inside nasusuka na yan mami oni HAHAHAHAHA.”

“Tahimik lang ako sa umpisa!!!! loveyou u mame vice and meme.”

“They are pitiful those who are disgusting you mami oni.”

“Mami Oni pa ranas naman.”

“Pak na pak si mommy oni @tonifowlerpo and meme @praybeytbenjamin love you both my idol.”

 “Omg. I can’t wait to see a vlog with you and @praybeytbenjamin.”

May ilan ding netizens ang nag-suggest na gumawa sila ng collab sa kani-kanilang YouTube channel. Sigurado raw maghi-hit ito sa madlang pipol.

Related Chika:

Juliana Parizcova pak na pak ang gown na inirampa sa ‘sagayla’: ‘Bukod kang pinagpala sa baklang lahat…I’m your tooth fairy’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Fowler sinagot ang mga pahayag ng kapatid: Itakwil n’yo ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending