Arjo Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine Mendoza, detalye ng kasal 'secret' pa rin | Bandera

Arjo Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine Mendoza, detalye ng kasal ‘secret’ pa rin

Ervin Santiago |June 26,2023
facebook
share this

Arjo Atayde namanhikan na sa pamilya ni Maine Mendoza, detalye ng kasal ‘secret’ pa rin

Ervin Santiago - June 26, 2023 - 11:10 AM

NAMANHIKAN na si Congressman Arjo Atayde kasama ang kanyang mga magulang at iba pang kaanak sa pamilya ng kanyang fiancée na si Maine Mendoza.

Base sa ipinost ng award-winning actress at nanay ng kongresista na si Sylvia Sanchez sa kanyang social media account, nangyari ang pamanhikan nitong nagdaang weekend.

Ibinahagi ni Ibyang ang isang video sa Instagram at Facebook kahapon, June 15, kung saan makikita ang pagtungo ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine na tinatawag na “Casa Mendoza”.

Ang unang IG post ay kuha sa loob ng isang private plane na may caption na, “Off to a very important destination, @mainedcm @arjoatayde.” Ginamit ng aktres ang mga hashtags na #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.

Sa ikalawa niyang post ay isa namang video kung saan mapapanood ang papasok sa isang kalye ng mga nakahilerang mga SUV na nilagyan ni Sylvia ng caption na, “The Very Important destination (heart emoji).”

Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez super proud kay Arjo na waging congressman sa QC: Iba ka manindigan anak!

Maririnig sa video na ang mga kotseng makikitang naka-park sa labas ng Casa Mendoza na pagmamay-ari ng mga Atayde. Maririnig si Sylvia na nag-dialogue ng, “Andito lahat ng kotse ng Atayde.”

Ipinakita rin sa video si Maine habang lumalabas sa kanilang bahay at lumapit sa sinasakyan nina Arjo at ng kanyang pamilya.

“Menggay,” ang pagbati ni Sylvia kay Maine. “Nakarating na rin kami sa wakas. Bababa na ako (ng sasakyan) at magkikita na tayo diyan.” 

Hanggang ngayon ay hindi pa naglalabas ng mga karagdagang detalye sina Maine at Arjo kung kailan at saan sila ikakasal. Pero base sa isang source, ngayong July na mangyayari ang pinakaabangang wedding ng celebrity couple.

Related Chika:

Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen; wala nang urungan sa kasalan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis namanhikan na sa pamilya ni Jennylyn; aamin na kayang magkaka-baby na?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending