Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen; wala nang urungan sa kasalan | Bandera

Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen; wala nang urungan sa kasalan

Ervin Santiago |September 13,2021
facebook
share this

Derek namanhikan na sa pamilya ni Ellen; wala nang urungan sa kasalan

Ervin Santiago - September 13, 2021 - 03:54 PM

Ellen Adarna, Derek Ramsay, Remedios Ramsay at Meriam Go-Adarna

BALITANG namanhikan na ang hunk actor na si Derek Ramsay sa pamilya ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna.

Finally ay nagkakilala na nang personal at nakapag-bonding na ang nanay nina Derek at Ellen base na rin sa isang video na ipinost ng aktor sa social media.

Naganap ang “pamamanhikan” sa isang lugar sa Siargao na dinaluhan din ng ilang kapamilya at kaanak ng celebrity engaged couple.

Unang nag-post si Ellen ng video sa kanyang Instagram Stories, kung saan makikitang masayang nagba-bonding ang nanay nila ni Derek na sina Remedios Ramsay at Meriam Go-Adarna. Nilagyan niya ito ng mensaheng, “How are mothers met.”

“My mom is 56, and Tita is 73. And my mom is drinking buko juice and tita is gangster. My mom is boring!” ang birong pahayag ni Ellen na maririnig sa background ng kanyang video.

Ni-repost naman ito ni Derek sa kanyang IG Stories gamit ang hashtag na #mamanhikan.
Balitang kasama rin sa pagbabakasyon nina Ellen at Derek sa Siargao ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Wala pang announcement ang magdyowa kung kailan at saan ang kanilang kasal pero nasabi nga nila na ngayong taon na ito magaganap kahit pa may pandemya.

Kung matatandaan, last March, 2021 nang ibandera nina Ellen at Derek ang kanilang engagement. Ito’y isang buwan lamang matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon.

Nabanggit ni Derek sa isang panayam na si Ellen na nga ang kanyang “the one” at handa na siyang bumuo ng pamilya kasama ang aktres.

“I think she’s the one. And I say it’s going to happen quick. Seriously. Like no joke. Sometimes you need to live a crazy life. I’ve always been living a safe life, and now, parang holy sh*t! I don’t know what’s coming. I don’t know what’s happening.

“I’ve had so many relationships, you know? But there’s nothing like this talaga. Like we were up all night just talking about it. Two Alphas. We’re both f***king Alphas!” sey ni Derek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin naman ni Ellen na kahit kailan daw ay hindi niya pinangarap ang ikasal, pero bigla raw nagbago ang pananaw niya nang maging sila ni Derek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending