Mensahe ni Miel Pangilinan ngayong Pride Month: There’s still so much we’re fighting for in this country…
MAY paalala ang anak ni Sharon Cuneta na si Miel Pangilinan para sa mga kapatid nating kasapi ng LGBTQIA+ community na nagdiriwang ngayon ng Pride Month.
Mensahe niya, bukod sa selebrasyon ay ito rin ang buwan upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
“This month, I’m celebrating: queerness, identity, sexuality, love, and people. The first pride was a riot—always remember,” wika niya sa isang Instagram post.
Patuloy niya, “Though Pride is a time for celebration and togetherness and is an occasion for happiness for the community, we must also remember that there is still so much we are fighting for as a community in this country.”
“The rights to safety, the rights to marry who we want to marry, are still heavily debated on by people who make real shots that affect real people,” ani pa ni Miel.
Baka Bet Mo: Sharon sa pag-come out ni Miel: I’m proud of my children and all my children are perfect!
Kung maaalala, nag-come out ang anak ni Sharon noong nakaraang taon na kung saan ay nanawagan siya sa LGBTQ members na manindigan para sa kanilang mga sarili at huwag mahiyang maglantad.
“Now is the month to show who we are, to show that we exist, and that nobody will silence us or make us feel ashamed in ourselves for being who we are,” mensahe niya.
Dagdag pa niya, “I am here. I exist. I have been here. I have existed. I am a queer Filipino who is proud to be a member of this beautiful, long-standing community.”
Sa huli ay hiniling din ni Miel na magkaroon ng masayang selebrasyon ng Pride Month.
Lahad niya, “As long as you are happy and keeping other people around you safe, you are valid and you are loved. Mabuhay mga bakla!”
View this post on Instagram
Nakatanggap naman ng suporta si Miel mula sa kanyang fans, pati na rin sa kanyang kapatid na si Frankie.
Komento ng kanyang kapatid, “HALA BAKLA! Baklang baby ko [smiling face with hearts emojis].”
Narito naman ang ilan sa mga komento ng ilang netizens:
“Amen. Miel. I love this post so much. God bless you [red heart emojis].”
“Be happy lang bebe ghurl lovelots [pink heart emojis].”
“Proud of your pride [rainbow emoji] Happy Pride Month!”
Nitong buwan lamang ay nagtapos ng high school si Miel at plano niyang mag-aral ng kolehiyo sa New York sa Amerika kung saan nag-aaral ngayon si Frankie.
Related Chika:
KC, Frankie proud na proud sa pag-come out ni Miel Pangilinan bilang ‘queer’
Sharon Cuneta kay Miel Pangilinan: I am proud of the woman you have become
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.