Xander Ford ready na sa boxing match laban kay Makagwapo: Kahit ilang rounds papalagan kita!

Xander Ford ready na sa boxing match laban kay Makagwapo: Kahit ilang rounds papalagan kita!

PHOTO: Screengrab Facebook/Xander Arizala

TILA nagpakitang-gilas sa isang Facebook video ang social media personality na si Xander Ford matapos iplex ang kanyang fighting skills umano.

Kasabay kasi ng Father’s Day ay magkakaroon siya ng boxing match laban sa kapwa social media personality na si Christian Merck Grey o mas kilala bilang Makagwapo.

“Ready na ako sa Sunday. Gusto ko lang sabihin sa’yo Merck na hindi ko na kailangan pang mag-training nang sobra. Ito lang sapat na sakin,” sey ni Xander sa kanyang post sabay turo sa kanyang boxing gears na nakasuot sa kanyang kamay at paa.

Dagdag pa niya, “Sana kumasa ka Merck. Hindi ako natatakot sa mga pinapakita mo sa social media. Kahit ilang rounds papalagan kita.”

“Promise ko po sa inyo, hindi ko po kayo bibigyan ng hindi magandang laban,” pagtitiyak pa niya.

Baka Bet Mo: Xander Ford humingi ng tulong para makuha ang P349k kay Makagwapo, aware na imbyerna sa kanya ang madlang pipol

Patuloy niya, “Ipapakita ko po sa inyo kung paano po ako lumaban sa inyo o kung paano ko po ipagtanggol ang sarili ko.”

Kasabay niyan ay nanawagan pa si Xander na sana tumigil na ang mga namba-bash sa kanya.

“Nakikiusap ako sa lahat ng basher diyan, sana after nito ay matapos na ‘yung kung ano-ano pang sinasabi ninyo,” saad niya.

Pangako pa niya, “Huwag po kayong mag-alala, itutuloy ko pa rin po ang pagda-drug test na sinasabi po ninyo. Hindi ko po ‘yan tatanggalin at hindi ko po makakalimutan.”

Bandang huli ay nagpahayag pa siya ng mensahe kay Makagwapo, “And sayo Merck, humanda ka, itutumba kita!”

Kamakailan lang ay ibinalita ng socmed personality na naghiwalay na sila ng kanyang partner na si Gena Mago.

Ang naturang hiwalayan raw ay nag-ugat sa isyu ng diumano’y “paniningil” ni Xander ng pera kay Merck.

Related Chika:

Makagwapo itinanggi ang pangakong P349k kay Xander Ford: Hindi ko responsibilidad ang anak mo!

Read more...