Song Joong Ki, Katy Louise Saunders may baby na

Song Joong Ki, Katy Louise Saunders may baby na: ‘He’s a healthy son!’

Pauline del Rosario |June 15,2023
facebook
share this

Song Joong Ki, Katy Louise Saunders may baby na: ‘He’s a healthy son!’

Pauline del Rosario - June 15, 2023 - 11:20 AM

Song Joong Ki ikinasal na sa British actress, magkaka-baby na rin

Song Joong Ki, Katy Saunders

OPISYAL nang mga magulang ang South Korean actor na si Song Joong Ki at kanyang misis na British actress na si Katy Louise Saunders.

Isinalang na kasi ang first baby nila!

Inanunsyo ‘yan mismo ng aktor sa pamamagitan ng fan site na “Fancafe” at ibinandera pa ang isang black-and-white photo ng pasilip ng kanyang anak.

PHOTO: Fancafe/Song Joong Ki

Pagbubunyag pa ni Joong Ki, isinilang ang kanyang baby boy sa Rome sa bansang Italy.

“I’m in Italy right now. I finally have my baby here in Rome, my wife’s hometown,” proud na ibinalita ng Korean star.

Baka Bet Mo: Song Joong Ki ikinasal na sa British actress, magkaka-baby na rin

Dagdag pa niya, “He’s a healthy son. The baby and his mother are very healthy, and I’m taking care of my family with a grateful heart.”

Kasunod niyan ay ibinunyag din ng aktor na ang pagkakaroon ng sariling pamilya ay isa sa kanyang “biggest dreams.”

Inilarawan niya rin ang anak nila ni Katy bilang isang “precious gift.”

“My biggest dream is to have a happy family. It is the most precious gift to us as a couple. Thanks to your support, this great day came to our lives,” sey niya.

Sa huli ay lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng fans na patuloy silang sinusuportahan.

Tiniyak pa niya na lalo pa niya gagalingan bilang aktor sakaling bumalik na siya sa kanyang trabaho.

“I always thank [my fans] for their sincere love. I sincerely hope that you will have great happiness in your lives too. And I’ll come back with great work as an actor,” lahad ni Joong Ki.

Kung maaalala, noong Enero lamang nang kumpirmahin ng “Descendants of the Sun” star na ikinasal na sila ni Katy at ipinagbubuntis na nito ang kanilang first baby.

Matatandaang lumitaw ang mga espekulasyon na nakikipag-date si Joong Ki kay Katy matapos itong banggitin ng aktor sa APAN Star Awards ceremony sa South Korea noong Setyembre.

Si Joong Ki ay hiwalay sa unang asawa na si Song Hye Kyo mula pa noong 2019.

Related Chika:

Song Joong Ki may bagong lovelife, currently dating sa isang non-showbiz British woman

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Katy Perry, Lionel Richie eeksena sa coronation ni King Charles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending