Sharon tuwang-tuwa nang malamang makakasama sina Miles at Tonton sa movie nila ni Alden | Bandera

Sharon tuwang-tuwa nang malamang makakasama sina Miles at Tonton sa movie nila ni Alden

Reggee Bonoan - June 14, 2023 - 05:28 PM

Sharon tuwang-tuwa nang malamang makakasama sina Miles at Tonton sa movie nila ni Alden

“SURPRISE! With our other co-stars Miles Ocampo and Tonton Gutierrez!!” Ito ang caption ni Sharon Cuneta sa mga larawang ipinost niya kanina sa kanyang Instagram account.

Naikuwento ni Sharon sa Cineko Productions team na sobrang tuwa niya nang malamang kasama si Miles sa pelikula nila ni Alden Richards na “A Mother’s Son Story” na ididirek ni Nuel Naval mula sa panulat ni Mel del Rosario.

Naging anak niya raw kasi si Miles sa pelikulang “BFF: Best Friends Forever” kasama si Ai Ai delas Alas na ipinalabas noong Mayo, 2009 na idinirek ng namayapang si Wenn Deramas na isinulat din ni Mel del Rosario under Star Cinema.

Kaya maraming factors kaya tinanggap ni Shawie ang pelikula dahil bukod sa gusto niya ang panulat ni Mel ay kasama rin niya sina Miles, Alden at Tonton.

Baka Bet Mo: Tonton Gutierrez maraming beses natalakan ng direktor dahil sablay umarte; hiyang-hiya kay Sharon Cuneta

Ilang beses na rin niyang nakasama si Tonton sa pelikula tulad ng “Kahit Wala Ka Na” noong 1989, “Nakagapos na Puso” noong 1986, at “Kaputol ng Isang Awit” taong 1991.

Kuwento pa ng Megastar sa prod team, nagagalingan daw siya kay Miles kaya gustong-gusto niya ito at napanood nito ang simula ng “Batang Quiapo” kung saan lumabas ang aktres bilang young Cherie Pie Picache.

Samantala, sobrang happy din si Miles nang malamang muli niyang makakasama ang “Mama” niya sa isang pelikula. Na-miss daw niya si Mega kaya excited nang mag-shoot ang grupo sa June 20.

Another familiarity workshop ulit ang nangyari kanina sa office ng Cineko Productions sa Quezon City kasama sina Sharon, Miles at Tonton.

Related Chika:
True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Sharon: Sa dami ng mga ‘anak’ ko sa showbiz, pinakaminahal at minamahal ko si Julia…napakatotoong tao!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending