Elizabeth Oropesa may hinanakit kay PBBM, hindi raw nabigyan ng pagpapahalaga?
NAGLABAS ng kanyang saloobin ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa matapos ang kanyang pagsuporta kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kanyang panayam na mapapanood sa YouTube channel ni Morly Alinio ay natanong siya kung sumubok ba siyang magkaroon ng posisyon sa gobyerno matapos ang pagsuporta sa pamilya Marcos.
Pag-amin ni Elizabeth, never daw niyang hiniling na magkaroon ng posisyon sa gobyerno.
Aniya, bago pa nga raw maganap ang eleksyon noong 2022 ay matagal na siyang loyalista ng mga Marcos ngunit may sama raw siya ng loob.
“Even before, ilang taon na ba akong nakipaglaban? 37 years na akong nakipaglaban, ‘pag sinabi kong loyal ako sa’yo, loyal ako sa’yo,” pagbabahagi ni Elizabeth.
Dagdag pa niya, “‘Yung ginagawa ko kasi ‘yun hindi naman ako nag-eexpect ng kahit ano. Of coures you’re hoping na mapansin ka. Kasi after all matanda na ako. I’ve been fighting for so long. Edi you’re hoping na mapansin ka.”
Chika pa niya, nagtagumpay naman daw silang mga supporters dahil nailuklok nila sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos ngunit hindi naman daw siya nito napansin.
“Wala nga akong litrato niya na may pirma. Maniwala ka… ang pumapansin sa akin palagi, na palaging tumutulong na nand’yan kahit anong mangyari… si Imee,” kwento pa ni Elizabeth.
Natanong nga rin siya kung masama ang kanyang loob dahil sa kabila ng kanyang mga nagawa at mga nakaaway ay hindi siya napansin ng pangulo.
Baka Bet Mo: Hamon ni Ogie Diaz kay Elizabeth Oropesa: Kapag pinaputol n’ya ang 2 paa niya, ipapuputol ko ang notes ko!
View this post on Instagram
“Masakit kasi siyempre… Isipin mo umaboy ako sa edad na ito tapos kahit litrato niya, hindi n’ya mapirmahan, bigyan ako. Yun lang naman hinihingi ko. Masakit pero nagko-compensate naman si Imee Marcos,” lahad pa ni Elizabeth.
Dagdag pa niya, “Well hindi ako nanghihinayang na nakipaglaban ako. Naisip ko lang, hindi panghihinayang e… hinanakit. Hinanakit siguro… dahil hindi nabigyan ng pagpapahalaga kahit kaunti.”
Sa kabila naman ng mga nangyari ay hindi inaasam ni Elizabeth na mabigyan ng posisyon sa administrasyon kung sakaling alukin siya matapos ang kanyang interview.
“Too late. I’m fine. Hindi naman ako nagugutom. Kinakapos paminsan-minsan sa dami ng tinutulungan. Siguro ang sasabihin ko tulungan na lang natin itong mga ito,” sey pa ng aktres.
Tila ipinapakiwari ni Elizabeth na may pinagdaraanang problema ang magkapatid.
“Ayaw ko silang nagkakagulo siyempre. As much as possible sana ma-settle kung whatever it is na meron silang problema ngayon. Kasi ang nadadamay, ang mga Pilipino. Ang buong Pilipinas! Kahit ‘yung walang kinalaman nadadamay!” lahad pa niya.
Related Chika:
Elizabeth Oropesa handang ipaputol ang dalawang paa, nanindigang hindi bayaran ang mga sumusuporta kay Bongbong
Hugot ni Elizabeth Oropesa sa pagtulong sa dapat tulungan patama kay John Regala?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.