Hugot ni Elizabeth Oropesa sa pagtulong sa dapat tulungan patama kay John Regala?
SI John Regala nga ba ang pinatatamaan ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa sa kanyang Facebook post tungkol sa pagtulong sa tunay na nangangailangan?
Isang mahabang hugot ang ibinahagi ni La Oro sa publiko sa pamamagitan ng FB kung saan kinuwestiyon niya ang pagbibigay ng tulong sa taong sinayang ang buhay sa iba’t ibang bisyo.
Aniya, sana’y ang mga totoo at deserving makatanggap ng ayuda ang tinutulungan at binibigyan ng pagkakataon na mabawi ang kanilang nawalang kabuhayan.
Walang binanggit na pangalan si La Oro pero ang hula ng mga nakabasa ng post niya posibleng si John Regala raw ang pinatutungkulan niya.
Narito ang buong FB status ng aktres: “Ipagpatawad ninyo.
Personal opinion ko po ito.
“It is unfortunate that we chose to help people who were given many opportunities to have a good life, nagkapera, sikat pero winaldas, nag drugs, alcohol at iba pang bisyo.
“Samantalang yung mga pobre na masisipag, mahal ang pamilya, mababait at walang bisyo pero naghihirap ngayon ng husto dahil walang hanapbuhay ay madalas hindi nakatatangap ng tulong dahil hindi kilala ang pangalan.
Walang publicity.
“Itong mga walang pagpapahalaga sa nakamtan nilang biyaya na galing sa langit, madalas pag bumuti ang pakiramdam pagkatapos nating tulungan, balik ulit sa bisyo hanggang mamatay o mahuli ng pulis at makulong ng tuluyan.
“Bakit ganun? Ipinopost natin at nag su solicit tayo, milyon nga yung isang binayaran sa hospital, na- naospital dahil inatake ng dahil sa pinagbabawala na gamot!
“Then, after being helped..ayun! Balik sa bisyo, nakakulong ngayon.
Life is not fair. Naisip ko lang ito.
Wala lang. Naawa lang ako sa mga dapat matulungan na hindi natutulungan.
“Sana bigyan naman ng halaga ng mga may pangalang tao ang mga tulong na ibinibigay sa kanila.
Ang swerte nila!
“At sana, medyo bigyan na ng priority ng mga matulugin na magbigay ng tulong sa mga mas karapatdapat.
“Personal ko pong opinion ito.
Sharing it with you. God Bless every one.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.