Aljur patuloy ang pagsasakripisyo para sa 2 anak, excited nang mag-celebrate ng Father's Day; muling bibida sa crime-thriller na 'The Revelation' | Bandera

Aljur patuloy ang pagsasakripisyo para sa 2 anak, excited nang mag-celebrate ng Father’s Day; muling bibida sa crime-thriller na ‘The Revelation’

Ervin Santiago |June 14,2023
facebook
share this

Aljur patuloy ang pagsasakripisyo para sa 2 anak, excited nang mag-celebrate ng Father’s Day; muling bibida sa crime-thriller na ‘The Revelation’

Ervin Santiago - June 14, 2023 - 09:55 AM

Aljur patuloy ang pagsasakripisyo para sa 2 anak, excited nang mag-celebrate ng Father's Day; muling bibida sa crime-thriller na 'The Revelation'

Aljur Abrenica, Alas at Axl Abrenica

TALAGANG naglalaan ng panahon ang hunk actor at celebrity dad na si Aljur Abrenica para makasama at maka-bonding ang mga anak nila ng kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

Sa darating na Linggo, June 18, ay super excited na raw si Aljur sa pagse-celebrate ng Father’s Day with his two sons, sina Alas at Axl.

Nakachikahan namin ang aktor via zoom kasama ang iba pang members ng entertainment media nitong nagdaang Lunes, June 12, para sa bago niyang pelikula, ang sexy crime-thriller na “The Revelation”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Kuwento ni Aljur, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin nilang mag-aama sa darating na Father’s Day pero ngayon pa lang ay looking forward na siyang makasama muli ang mga bata.

Ayon sa aktor, kahit daw marami siyang ginagawa at sunud-sunod ang kanyang trabaho, sinisiguro niyang nakapaglalaan siya ng quality time para sa dalawang anak na siyang priority pa run niya hanggang ngayon.

Sa katunayan, may mga offer na siyang tinanggihan dahil masasagasaan nito ang schedule ng pagdalaw at pagsasama-sama nilang mag-aama. Suportado naman ng kanyang manager na si Leo Dominguez ang desisyong ito ng aktor.

Baka Bet Mo: Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

“Totoo po ‘yan. I made a promise sa sarili ko na, sandali lang naman, eh. Kasi nasa (formative) years pa sila, one to seven?

“Alas just turned six, six na si Alas pala sa August, tapos ‘yung isa ko pang anak, three years old.

“So itong one to seven nila, I don’t wanna miss the opportunity na makita sila lagi, ‘yung time ko sa kanila, so kapag may mga project na nababangga, sinasakripisyo ko ‘yung trabaho.

“Blessing ‘yon, pero isinasakripisyo ko ‘yon para makasama ko ‘yung mga anak ko. Pero hanggang sa time lang na ‘yon, hanggang mag-seven sila,” paglalahad ni Aljur na hindi talaga nagkukulang sa mga anak nila ni Kylie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Dagdag pa ng aktor, “Hindi ka talaga magsisisi kapag nagbibigay ka ng panahon sa mga anak mo.”

Samantala, proud and excited na si Aljur na mapanood ng publiko ang bago niyang suspense crime-thriller na “The Revelation” kung saan makakasama niya ang kapatid na si Vin Abrenica, Ana Jalandoni at Jelai Andres.

Sa kuwento, gagampanan ni Aljur ang karakter ni Lance, na isang mapagmahal na anak at sobra ang pagmamalasakit at pagrespeto sa mga kababaihan.

Matindi ang pinagdaanan niya sa buhay kaya umaasa siyang makatagpo ng isang taong makakasama sa buhay na mamahalin siya sa kabila ng mapait na nakaraan.

Paglalarawan naman ni Direk Ray An Dulay sa kanilang pelikula sa isang panayam, “In our movie, comedy is the only one missing

“The multi-genre film has suspense-thriller, a bit of horror, action, drama, sexy scenes. We had a hard time working on the film, with the writer (Joyzell Love Regalario-Dulay). This is a genre film so it will give us personal satisfaction,” aniya pa.

Ang “The Revelation” ay mula sa Hand Held Entertainment Production at House of Prime Films, directed by Ray An Dulay. Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula sa June 21.

Celebrity moms proud na ibinandera ang tatay ng mga anak ngayong Father’s Day

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending