Kylie Padilla walang patumanggang tinawag ng basher na 'banong starlet', bwelta ng aktres: 'Of course you have the right to your opinion' | Bandera

Kylie Padilla walang patumanggang tinawag ng basher na ‘banong starlet’, bwelta ng aktres: ‘Of course you have the right to your opinion’

Ervin Santiago |April 26,2023
facebook
share this

Kylie Padilla walang patumanggang tinawag ng basher na ‘banong starlet’, bwelta ng aktres: ‘Of course you have the right to your opinion’

Ervin Santiago - April 26, 2023 - 11:07 AM

Kylie Padilla walang patumanggang tinawag ng basher na 'banong starlet', bwelta ng aktres: 'Of course you have the right to your opinion'

Kylie Padilla

TINAWAG na “banong starlet” ng isang basher ang Kapuso actress na si Kylie Padilla matapos mapabalitang may gagawin daw itong project kasama si Enrique Gil.

Kalat na kalat na ngayon ang chika na bibida sina Kylie at Enrique sa isang pelikula na ipo-produce raw ng GMA Pictures kung saan makakasama rin ang mga Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Derrick Monasterio.

Wala pa itong kumpirmasyon mula sa GMA 7 pero marami ang na-excite sa naturang proyekto. Ngunit may mga netizens naman ang kumontra rito, isa na nga ang hater na nagsabing “ang babano” ng tatlong Kapuso stars.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


In fairness, marami naman ang nagtanggol kina Kylie, Ruru at Derrick na nagkomentong magaling namang umarte ang mga nabanggit na Kapuso stars. Pero muling sumagot ang basher at ipinagdiinang “banong starlet” talaga si Kylie.

Baka Bet Mo: Bimby ibinalitang patuloy na bumubuti ang kundisyon ng inang si Kris: ‘She’s stable and of course still beautiful!’

“@kylienicolep masama ba na sabihan kitang banong starlet? Bwahahahaha!” ang hirit ng hater sa kanyang tweet.

Hindi naman ito pinalampas ng Kapuso actress at celebrity mom pero kalmado niyang sinagot ang hater, “Of course you have the right to your opinion (white heart emoji).”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


Kasunod nito, nag-tweet muli si Kylie nang mabasa ang mga reaksyon ng fans na nagtanggol sa kanya. Aniya, wala talagang issue ang pagtawag sa kanya ng “banong starlet.”

Aniya, tanggap niya na may mga taong hindi siya gusto, “Ako ay nagtatrabaho lamang. Wag nyo po masyado istressin ang sarili nyo. all love and peace.

“And thanks to everyone who feels like they have to defend me. Luckily I’ve developed a thick skin from showbiz pero naappreciate ko kayo each and everyone of you,” mensahe pa ng Kapuso actress.

Ni-retweet pa niya ang isang kasabihan na may konek sa pang-ookray sa kanya, “Nothing and no one is worth your mental health.”

Pa-gender reveal ng isang tatay gamit ang inidoro viral na; Angelica Panganiban gustong gayahin sa next baby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica rumesbak sa basher na nagsabi sa kanya ng, ‘Isang starlet na naman po ang nag-iingay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending