JC Alcantara walang paki kung tawaging bading; game na game makipag-kissing scene kina Piolo Pascual at Enchong Dee
BENTANG-BENTA at inuulan ngayon ng papuri ang pagganap ng Kapamilya actor na si JC Alcantara bilang lalaki at bonggang drag queen sa iWantTFC digital series na “Drag You & Me.”
In fairness, hindi siya nagpapatalbog sa mga co-stars niya sa serye na sina Andrea Brillantes at Christian Bables.
Dalawang personalidad ang ginagampanan ni JC sa “Drag You & Me” bilang ang barakong si Jason sa umaga, at ang napakagandang drag queen na si Shania Lacroix sa gabi.
Isinisikreto kasi ni JC ang pagiging drag queen sa takot niyang hindi siya tanggapin ng kanyang pamilya na puro mga homophobe.
Bilib na bilib ang netizens sa kapani-paniwala na pag-arte ni JC bilang isang drag queen, na kumpleto sa bonggang makeup at mga enggrandeng outfit.
Marami rin ang natutuwa sa nakakakilig na mga eksena ni JC kasama sina Betty (Andrea) at Charlie (Christian), na pareho ring mga drag queen.
Sa solo presscon ni JC para sa “Drag You & Me” ay natanong ang binata kung hindi ba siya natatakot sa kanyang image at baka isipin na ng madlang pipol na totoong bading siya in real life?
“Hindi po. Hindi ako natatakot like alam ko may naririnig ako na pinagsasabi ‘ay bakla ‘yan, bakla ‘yan.’ Pero happy ako kasi at least effective ako bilang actor na nagampanan ko ‘yung role na ‘yun.
“Kaya kung anuman ‘yung tingin n’yo sa akin okay lang tanggapin ko ‘yung judge n’yo pero alam ko kung sino ako,” chika pa ng binata na humarap sa press na naka-drag outfit.
Sabi pa ni JC, hindi na rin siya nag-e-explain sa mga taong nagsasabing isa siyang beki, “Parang mas hahaba pa kapag nag-explain ako kung sino ako.
“Bahala na kayo kung anong iisipin n’yo sa’kin kasi ako po ‘yung taong walang akong pakialam kung anong tingin mo sa akin, kung sino ako basta ‘yung mga friends ko sila-sila na nakakakilala sa akin ‘yun ‘yung mas paniniwalaan ko. ‘Yun ‘yung mas sasamahan ko,” sabi pa niya.
Suportado rin daw niya ang LGBTQIA+ community at mataas ang respeto niya sa mga members nito, “Sa inyong lahat kasi love is not about gender eh so kailangan accept mo lahat, kailangan irespeto natin lahat, mahalin natin lahat.
“Kung ano ka man dapat tanggapin mo. I know it’s hard for them but you know it takes time. Mahirap pero ‘pag nakawala ka kung sino ka, magiging happy ka magiging malaya ka. Makakalipad ka,” paliwanag ng aktor.
Natanong din si JC kung sinu-sino pa ang gusto niyang makahalikan kung gagawa uli siya ng gay projects matapos mapag-usapan ang kissing scene nila ni Christian sa “Drag You & Me.”
“Wait ang hirap mamili. Si Tony Labrusca pa rin (nakatambal niya sa Hello, Stranger). Tony Labrusca saka siguro i-try ko si Enchong Dee. Try ko rin mas old, gusto ko mas ma-challenge din ako siguro. Si Papa P (Piolo Pascual), pwede rin,” pahayag ni JC.
Samantala, sa mga susunod na episode ng “Drag You & Me”, dapat abangan ng mga manonood kung paano lalalim ang relasyon nina Jason at Betty, at kung papaano mababaliw sa selos si Charlie, na siya ring matalik na kaibigan at drag mother ni Jason.
Mapapanood ang bagong episodes ng Drag You and Me, na mula sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment, at Dreamscape Entertainment, kada Biyernes ng 8 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o website.
Related Chika:
#IkawNa: Andrea Brillantes may ‘Dyesebel’ na may ‘Drag You & Me’ pa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.