Kris Aquino emosyonal nang magpaalam kay Bimb, nangakong lalaban sa sakit para sa mga anak
MALUNGKOT na nagpaalam ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ihatid ang kanyang bunsong anak na si Bimb sa airport.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang emosyonal niyang paghatid sa bunsong anak na umuwi na ng Pilipinas.
“Tuesdays are my immunosuppressant/chemotherapy day. He left to fly home on Wednesday – i only have until the end of June until i need to lessen my activities in high density places because by then my immunity will be too weak to fight any infection,” pagbabahagi ni Kris.
Aniya, ramdam raw niya ang stress at anxiety ng kanyang anak sa sitwasyon at kitang-kitang nag-mature na ito at responsable na talaga lalo na sa pag-aalaga at pagtingin sa kanyang kalusugan.
“[K]awawa kasi nakikita nya the many new physical manifestations because from 3 when we came to the [America] a year ago, naging 5 na yung diagnosed autoimmune conditions ko. As his mama i felt for a few months he deserves to enjoy being 16,” lahad pa ni Kris.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Kris Aquino sa bunsong anak na si Bimb: YOU are the reason I can’t give up
Alam rin niya na makalipas ang isang taon na pananatili nila sa Amerika para sa pagpapagamot niya ay nami-miss na rin ni Bimb ang iba pa nilang mga kaanak na naiwan sa Pilipinas.
“I knew after a year bimb was longing to be with his various titas (my sisters, cousins, and friends); titos (my brothers in law, cousins in law and the husbands of my friends); his many cousins & the kids of my friends.i love you,” sey pa ni Kris.
Dagdag pa niya, “[I]t was heartwarming to see you & kuya together. Thank you @michaelleyva_ for being part of our family.”
Nangangako naman si Kris sa kanyang mga anak na patuloy siyang lalaban sa kanyang sakit.
“[I] love you w/ my whole heart, kuya & bimb. Mama promised she’ll go through all treatments so i’ll be around, God willing, while you both still need me,” promisi ng Queen of All Media.
Sa ngayon ay nasa Amerika pa rin si Kris dahil kinakailangan pa niyang manatili roon ng at least isa’t kalahating taon para sa kanyang gamutan.
Related Chika:
Doc Willie Ong biktima rin ng fake ad, umalma kay Kris Aquino: I hope you can clarify this
Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It’s been a joy watching you grow up
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.