Netizen adik na adik kina Joshua at Gabbi sa 'Unbreak My Heart': 'Meron bang buong story na, yung hanggang ending, bibilin ko kahit magkano!' | Bandera

Netizen adik na adik kina Joshua at Gabbi sa ‘Unbreak My Heart’: ‘Meron bang buong story na, yung hanggang ending, bibilin ko kahit magkano!’

Alex Brosas |June 08,2023
facebook
share this

Netizen adik na adik kina Joshua at Gabbi sa ‘Unbreak My Heart’: ‘Meron bang buong story na, yung hanggang ending, bibilin ko kahit magkano!’

Alex Brosas - June 08, 2023 - 05:47 AM

Netizen adik na adik kina Joshua at Gabbi: 'Meron bang buong story na agad hanggang ending, bibilin ko kahit magkano!'

Gabbi Garcia at Joshua Garcia

KAALIW ang comment sa Instagram post ni Gabbi Garcia recently.

Gabbi posted three photos with Joshua Garcia na kuha sa taping nila sa Switzerland for “Unbreak My Heart”.

Iba’t iba ang location na kanyang ipinost and it was appreciated by her fans.

What’s nakakaloka is that one fan, it seems, was getting impatient. Gusto na niyang malaman ang mga susunod na eksena at willing siyang bilhin ang buong story para malaman niya ang mangyayari sa characters nina Gabbi at Joshua.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


“Sa sobrang pagka adik ko sa inyo sobrang excited na ako sa mga susunod na episode as in gusto ko bumilis ang oras. Meron bang mabibili na buong story na agad hanggang ending na? Bibilin ko kahit magkano.

“Hindi na rin ako maka concentrate sa work ko maghapon, every breaktime ko inuulit ulit ko panoodin sa viu, iwant tfc, gmanetwork.com at iba pa yung sa telecast sa gma telebabad twing 930pm from monday to thursday kahit paulit ulit hindi nakakasawang panoorin.

“Iba pa yung pag pinapanood ko na binaback ko pa dun sa fave scene ko,” mahabang komento ng isang fan.

Baka Bet Mo: Vice,Ion lalong tumatamis ang samahan; Bela at Sarah muling nagkita sa Switzerland

“Korek ka dyan ibang klase unbreak my heart Hinahanap ko sa viu yung advance episodes wala nman nkakabitin kc tapos hanggang Thursday’s lng,” dagdag naman ng isa pang supporter ng show.

“Ganito sana yung promotion ng love team sa project, may respeto sa RL partner and walang mag dedelulu na i ship sila off screen kase may subtle hint of boundary sa caption na on screen lang to na tambalan,” said another fan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Actually, may bonus ang show para sa lahat ng fans at puwede silang makisaya kasama ang cast ng “Unbreak My Heart” sa kanilang taping sa Europe sa bagong ABS-CBN YouTube show na “UMH: Europe Experience,” kung saan ipapasilip ang behind-the-scenes bonding kasama ang mga bida ng serye.

Pangungunahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap, at Jodi Sta. Maria ang pagbibigay ng tour at pagbabahagi nila ng trivia at masasayang karanasan sa iba’t ibang magagandang lugar sa Switzerland tulad ng Interlaken town at Mt. Pilatus.

Napapanood na ang unang episode sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel kung saan nag-tour sina Joshua at Jodi sa isang world-famous chocolate factory sa Zurich, Switzerland.

Tampok sa episode ang kanilang chocolate tasting ng iba’t ibang klaseng tsokolate at ibinahagi rin nila ang nakakaaliw na mga trivia tungkol sa paggawa ng tsokolate.

Sasabak din ang cast sa mga masasayang activities tulad ng food trip, bag raid, skydiving, at ang ‘100 Euro challenge’ kung saan mag-iikot at mamimili sila sa iba’t ibang lugar sa Milan, Italy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)


Magkukuwento rin sila tungkol sa hindi nila malilimutang mga bonding at chikahan kasama ang kanilang mga co-star. May bagong episode na ipapalabas kada Biyernes ng 7 p.m..

Panoorin ang “UMH: Europe Experience” at mag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Sa Facebook post naman ni Eric John Salut, he revealed na ang “Unbreak My Heart” ang Top 1 most watched series ng Viu.

“Congratulations, Ms. @jodistamaria and to the whole Team of #UnbreakMyHeart @abscbn @gmanetwork @dreamscapeph @viuphilippines,” say ni Eric John.

JM de Guzman maraming ‘triggers’ nang gawin ang ‘Adik Sa ‘Yo’; Cindy Miranda pak na pak bilang romcom actress

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KC nakumpleto na ang laman ng apartment sa Hollywood; umaming adik na adik sa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending