JM de Guzman maraming ‘triggers’ nang gawin ang ‘Adik Sa ‘Yo’; Cindy Miranda pak na pak bilang romcom actress
SA totoo lang, hindi namin naramdaman nu’ng una ang chemistry sa pagitan nina JM de Guzman at Cindy Miranda na first time magsasama sa pelikulang “Adik Sa ‘Yo” under Viva Films.
Nang i-announce ng Viva Entertainment na sina JM at Cindy ang magbibida sa nasabing movie, ang unang tanong namin, bagay ba sila? May magic ba sila on screen? Mapapakilig ba nila ang mga manonood?
Oh, well, yes na yes! Matapos naming panoorin ang “Adik Sa ‘Yo” kumbinsido na kami na hindi nagkamali ang mga bossing ng Viva Films na pagtambalin sina JM at Cindy at bigyan sila ng pelikulang siguradong magugustuhan ng manonood.
Isa kami sa mga naimbitahan sa ginanap na premiere night ng pelikula kagabi sa SM Megamall Cinema 1 na dinaluhan ng buong cast and production. At in fairness, masasabi naming happy kaming lumabas ng sinehan tulad din ng iba pang nakapanood ng “Adik Sa ‘Yo.”
Rebelasyon si Cindy sa pelikula na pasadung-pasado ring bilang roscommon actress dahil sa galing niya sa timing magpatawa, magpakilig at magpaiyak.
Muling pinatunayan ng veteran director na si Nuel Naval na kering-keri niyang magpakilig at magpaiyak sa pamamagitan ng isang romantic-comedy movie na talaga namang na-master na niya sa ilang taong pagiging filmmaker.
Effortless ang acting ni JM bilang isang dating drug addict na pinipilit magbago matapos magpa-rehab. Mararamdaman mo talaga sa bawat kilos at pananalita niya ang bawat hugot na naranasan niya sa tunay na buhay.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses ding na-rehab si JM dahil sa paggamit ng drugs pero dahil sa kagustuhan niyang maayos muli ang buhay niya ay talagang nagbago siya at tuluyang kinalimutan ang mga bisyo.
Baka Bet Mo: Cindy Miranda umaming nadadala sa mga ginagawang sex scene sa pelikula: Wala pa akong mabahong nakaeksena, ever!
Sabi nga ni JM, nagdalawang-isip din siya na tanggapin ang pelikula dahil siguradong babalik lahat ang mga pinagdaanan niya noon. Pero dahil nagandahan siya sa materyal, pumayag din siyang gawin ang proyekto.
“Alam ko na maganda ang script. Close din ako kay Tita Mel (Mendoza-del Rosario, ang sumulat ng screenplay ng Adik sa ‘Yo). But the hesitation part, parang talaga ba? Babalikan ko na naman, internalize ang mga pinagdaaanan ko. Pero talagang trust lang,” ani JM.
“Maraming trigger points for me. When I was brought inside the padded room, talagang nangyari sa akin ‘yun.
“For seven days, talagang pinasok ako doon. Nakakulong ako. So, while we were doing this film, ang daming triggers of the past. Kahit comedy siya, it was really personal for me.
“But sabi ko nga, the challenges don’t stop. They keep coming. I just have to face them head-on every day. I have to be wiser and stronger every day,” aniya pa.
Tungkol naman sa chemistry nila ni Cindy, inamin ni JM na hindi sila masyadong nag-uusap sa set, “Pero pagdating sa mga eksena, parang doon kami nag-bonding. Doon kami nag-uusap at nagtatawanan. ‘Yung ang parang naging magic namin together.”
Maraming eksena sa pelikula na napatawa nila ang manonood, “Pero mahirap pala talaga ang comedy. Timing is important when you’re doing comedy. Delivery of lines is crucial. Kailangan may balance.
“The script itself, nakakatawa na talaga. Nilagyan na lang namin ng sincerity para lumabas ang natural na comedy. Doing comedy is really a skill you need to learn. Even if you’re already a good actor, you need to learn how to do comedy,” aniya pa.
Kasama rin sa movie sina Meg Imperial, Candy Pangilinan, Andrew Muhlach at Nicole Omillo. Showing na ito bukas, April 19, sa lahat ng sinehan nationwide.
Related Chika:
JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’
JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.