KC nakumpleto na ang laman ng apartment sa Hollywood; umaming adik na adik sa... | Bandera

KC nakumpleto na ang laman ng apartment sa Hollywood; umaming adik na adik sa…

Ervin Santiago |October 04,2021
facebook
share this

KC nakumpleto na ang laman ng apartment sa Hollywood; umaming adik na adik sa…

Ervin Santiago - October 04, 2021 - 02:41 PM

KC Concepcion

NAGBIGAY ng update si KC Concepcion tungkol sa buhay niya ngayon sa Hollywood sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube.

Ibinahagi ng actress-singer at negosyante sa kanyang latest vlog na may titulong “Furniture setup, Grocery Shopping, Santa Barbara, Venice Beach  & more!” ang mga kaganapan sa pamumuhay niya sa Amerika.

Kung matatandaan, ibinahagi ng dalaga sa nauna niyang vlog ang nakuha niyang apartment na titirhan niya habang ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral doon.

That time, ang makikita lamang sa kanyang bahay ay isang air bed at ang bagong assemble na dining table and chairs. Ngayon ay may bago na siyang TV, vacuum cleaner, at blender.

Sa bago niyang vlog, ipinakita ni KC ang mga bagong furniture na inorder niya online. Aniya, talagang kinapalan na raw niya ang kanyang mukha sa paghingi ng assistance sa isang taong nakilala niya sa kanilang building.

“Ayan na, nabubuo na ang Casa Kristina Los Angeles! Masayang-masaya ako kasi this sofa converts into a bed. So yung sofa ko rin kamukha nu’ng bed ko kaya match sila. I bought this online. 

“Actually marami akong online stores na binilhan ng mga furniture and mura lang siya. 

“Hindi dahil maganda kailangan mahal pero it’s also good quality and naisip ko parang kailangan match siya doon sa bed ko although yung dining table ko ang pinakamahal na piece of furniture na binili ko for my condo. Ang sofa is so important din,” kuwento ni KC.

Sa lahat daw ng mga biniling furniture ni KC, ang pinakagusto niya ay ang Queen size bed. 

“Mababa naman kasi talaga yung kaligayahan ko pero ito talagang three weeks ko talagang hinintay na dumating sa bahay ko. Ang aking bed! Ang ibig sabihin, goodbye air bed! Ha-hahaha! 

“Ito na siya guys, totoong-totoo na ‘to. Alam n’yo, kahit sa online ko lang binili ito, happy ako nu’ng dumating siya as in perfect match siya sa sofa ko and also kahit hindi ko siya nakita in person, it is exactly the way I imagined it. 

“So it’s my style, it’s my vibe and I can’t wait to rest and to relax on this bed after a long and tiring day. Sabi nga nila, good things come to those who wait,” aniya pa.

Nauna rito, nagkuwento si KC ng mga ginawa niya noong unang linggo niya sa Los Angeles kabilang na ang pag-iikot nila sa  University of California Los Angeles campus (UCLA).

“It’s school feels. I really can’t wait to see more of what school is like out here in the US. I never studied here for college.

“It’s so different to see a huge campus here in Westwood and people are happy today. Let’s get some education. Learn and always learn,” aniya pa.

Isa pa sa gustung-gusto niyang gawin doon ay ang paggo-grocery, “Ang gustong-gusto kong gawin talaga is maka-discover ng mga local products.” 

Addict din daw si KC sa mga beach doon, kabilang na riyan ang Venice beach, “Naririnig ko na yung mga alon from here. Alam niyo naman na kasiyahan ko yung dagat. 

“Kahit nasaan ako, hahanap hanapin ko talaga yung dagat. Music to my ears. Sobrang busog na busog yung mata natin sa nakikita nating magagandang lugar and kakaibang mga lugar na wala sa atin. 

“I had such an amazing time exploring a little bit of Montecito and Santa Barbara,” aniya pa.

“I enjoyed taking time to go to the beach. Being the beach baby that I am, as you know, I have a huge love for the beach and the sea. And so I had to find my way back to the sea and California is the perfect place in America to go seascaping or sea hunting. 

“Going to Venice feels like you’re in a music video because I see so many videos of people rollerskating or wearing like all these amazing outfits and all these beach activities in one place. And it’s just one ride away. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So I so loved going to Venice beach today. I, of course, needed all that energy and Venice is just like a fun place to go to if you’re searching for the beach and searching for some fun,” pahayag pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending