Motor rider dapat obligahin mag-seminar | Bandera

Motor rider dapat obligahin mag-seminar

- October 16, 2013 - 03:00 AM

DAHIL na rin madaling imaneho at madaling nakakasingit sa pagitan ng mga sasakyan lalo na kung trapik, ordinaryo nang makikita ang mga motorsiklo sa mga kalsada.

Kasabay ng pagdami nila sa kalsada ay ang pagtaas ng bilang ng mga naaksidente, base na rin sa datos ng ahensya ng gobyerno.
Kaya naman, ipinanukala ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ang pagkakaroon ng batas kung saan ang mga may-ari ng motorsiklo at nagmamaneho nito ay kailangang sumailalim sa Motorcycle Safety Riding Seminar.

Sa seminar na ito, tuturuan ang mga nagmomotorsiklo ng mga kinakailangang kasanayan upang makaiwas sa aksidente, gayundin sa mga batas sa trapiko.

Batay sa datos ng Metropolitan Road Safety Unit  na nakalap ni Sarmiento, ang mga nagmomotorsiklo ang may pinakamataas na bilang ng mga namatay sa aksidente sa kalsada mula 2006 hanggang 2010.

Pinakamarami namang naaksidente sa motorsiklo noong 2006 na umabot sa 29.59 porsyento ng kabuuang bilang ng aksidente sa kalsada.

Umakyat ito sa 32.4 porsyento noong 2007 at 34.96 porsyento ng sumunod na taon. Noong 2009, ito ay naitala sa 36.78 porsyento at umakyat sa 37.63 porsyento noong 2010.

Sinabi ni Sarmiento na nagpatuloy ang pagtaas ng aksidente sa motorsiklo sa kabila ng paulit-ulit na paalala sa mga motorista ng pampubliko at pribadong ahensya.

Patunay umano na kulang ang kaalaman ng mga nagmo-motorsiklo ukol sa wastong road safety measures na kailangan nilang baunin sa kanilang mga biyahe.

Sa ilalim ng panukala ni Sarmiento, kailangang sumailalim sa seminar hindi lamang ng mga naka-single, kung ang mga nagmamaneho ng tricycles, motor scooters at habal-habal.

Ang magsasagawa ng seminar ay ang mga dealer o nagbebenta ng motorsiklo. Maaari naman itong maningil nang hanggang P300 sa mga sumasailalim ng seminar.

Hindi maaaring mairehistro ng bumili ang kanyang motorsiklo kung hindi siya sumailalim sa seminar. Para naman sa mga nakabili na ng motorsiklo bago pa maisabatas ang panukala, kailangan pa rin nilang sumailalim sa seminar na gagawin bago muling mairehistro ang kanilang sasakyan.

Ang mga dealer na hindi magsasagawa ng safety seminar ay pagmumultahin ng P10,000. Ganito rmagiging parusa ng isang kawani ng gobyerno na magrerehistro ng motorsiklo kahit hindi dumaan sa seminar ang may-ari nito.

Ang mga magmamaneho naman ng motorsiklo nang hindi pa nakakatapos ng seminar sila ay pagmumultahin ng P1,000.
Ang Department of Transportation and Communication ang inatasan sa panukala na bumalangkas ng rules, regulations, orders, at circulars para sa pagpapatupad ng programa.

Para sa komento at mga tanong, i-text ang MOTOR, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0917805237

MOTORISTA

Lumalagapok
TWO-stroke po ang motor ko, maingay ang makina, parang lumalagapok, lalo na kapag nilagyan ng 20-50 motor oil.  Ano po ang magandang langis sa 2 stroke?
…5623

BANDERA

KAPAG maingay at lumalagapok na ang makina, hindi ito dulot ng langis.  Patingnan mo ang piston at iba pang mga panloob.  Kailangang unahin ang panloob, baka nangangailangan na ito ng rebore at parts at ring replacements.

Hindi mo binanggit ang brand ng motosiklo.  Kung nariyan pa ang manual ng motor, sundin ang recommended SAE ng langis.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor

Buying second hand na XRM 110 0926-8056799

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).

Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending