Engagement ni LJ Reyes sa non-showbiz BF sampal kay Paolo Contis

Engagement ni LJ Reyes sa non-showbiz BF sampal kay Paolo Contis

Paolo Contis at LJ Reyes

SIGURADONG may kirot pa ring naramdaman sa kanyang puso si Paolo Contis nang malaman niyang engaged na ang dati niyang live-in partner na si LJ Reyes.

Iyan ang paniniwala ng veteran entertainment columnist at online host na si Cristy Fermin matapos ibandera ng Kapuso actress ang engagement nila ni Philip Evangelista na nangyari sa Amerika.

Sabi ni Nanay Cristy, kahit sinasabi ng Kapuso actor na maligaya siya para sa nanay ng anak niyang si Summer ay hindi maiaalis na makaramdam siya ng sakit at panghihinayang.

Sa naging chikahan nina Nanay Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang YouTube vlog ay napag-usapan nga nila ang tungkol sa pagpo-propose ni Philip kay LJ sa isang beach.


Sabi ng batikang kolumnista at TV-radio host, masaya rin sila para sa aktres na hindi sinukuan ang pag-ibig kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Paolo.

“Alam mo, masakit ito para kay Paolo. Natutuwa siya, dahil habang maligaya sila ni Yen, magiging masaya na rin itong si LJ.

Baka Bet Mo: Habangbuhay dadalhin ni Paolo kung anuman ang kasalanang nagawa niya — Lolit Solis

“Pero may ikalawang punto ‘yun, masakit ‘yun… may hapdi ‘yun, may kurot ‘yun. Dahil minsan isang panahon nagmahalan sila. At parang walang closure ang kanilang relasyon,” pahayag ni Nanay Cristy.

Sa panayam naman ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz kay Paolo, nabanggit nga nito na maligayang-maligaya siya para sa dating partner at sa bago nitong buhay.


“Of course I am very happy for her, very happy. Nabalitaan ko on the way na ako sa shoot. Feeling ko naman hindi ako ‘yung dapat ano, siyempre naiintindihan ko na kukunan ako ng reaksiyon. Pero again I am very, very happy for her,” sabi ni Paolo.

Kasalukuyan pa ring nasa Amerika si LJ kasama ang mga anak na sina Aki (anak niya kay Paulo Avelino) at Summer (anak nila ni Paolo). Umalis siya sa Pilipinas noong 2021 matapos ang hiwalayan nila ni Paolo.

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US

Read more...