Matteo nag-share ng tips para sa mga mag-asawa, hiling sa fans nila ni Sarah: ‘Ipagdasal n’yo po kami, sana magka-baby na’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
SA loob ng tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa, napakarami nang natutunan at nadiskubre nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa isa’t isa.
Looking forward na rin ang celebrity couple sa pagkakaroon ng baby dahil handang-handa at excited na raw silang maging parents.
“Oo, sana. Sana po. With prayers. Ipagdasal n’yo po kami mga Kapuso. Sana, soon, soon, magka-baby tayo,” ang pahayag ni Matteo sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast.
Sey ni Matteo okay na okay naman ngayon ang kanyang wifey at busy din sa kanyang career, “Sarah is doing very well, of course.”
Ayon sa TV host-actor at bagong host ng “Unang Hirit”, si Sarah talaga ang nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng kanyang mga ginagawa, kabilang na ang desisyon niyang tanggapin ang offer NG GMA Public Affairs.
“Bilang husband, I think aside from work, ‘yung personal life ko talaga, ‘yung priority ko talaga sa buhay ay sa pagiging asawa.
“I’m there for my wife, to support, be beside her and to live for her. And of course, to build our family in the future.
“So ‘yun ang main goal ko. Nagbago na lang ang perception ko, priority ko sa buhay noong nagpakasal kami,” lahad ni Matteo.
“That’s why I really encourage marriage and finding your partner in life because talagang two people synergizing and becoming better human beings, ‘yun ang exciting part,” dagdag pa niya.
Samantala, nagbahagi rin si Matteo ng tips para sa mapanatili ng mag-asawa ang kanilang solid na relasyon at exciting na pagsasama as married couple.
“Unang-una, to put God in the center of the relationship at all times. No matter what you believe in, I think there has to be a God in the middle kumbaga.
“To know the direction, objective of what you want to do in your life. And to trust one another.
“Kahit anong mangyari sa buhay, basta magtiwala kayo sa isa’t isa, irespeto niyo ang isa’t isa, at mamahalin niyo ang isa’t isa. ‘Yun ang pinaka-importante,” pagbabahagi pa no Matteo Guidicelli na talaga namang refreshing sight tuwing umaga sa “Unang Hirit.”