Xyriel Manabat ibinandera sa Instagram ang non-showbiz boyfriend | Bandera

Xyriel Manabat ibinandera sa Instagram ang non-showbiz boyfriend

Therese Arceo - June 03, 2023 - 07:43 PM

Xyriel Manabat ibinandera sa Instagram ang non-showbiz boyfriend

PROUD na proud ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat sa kanyang non-showbiz dyowa.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanilang mga larawan kung saan pumasyal sila sa Baguio.

“Biglaang Baguio trip with MY spontaneous, late night taga-aya, kunsintidor, source of happiness, lifetime ride or die, SUPER BFF…pogiest boyfriend,” saad ni Xyriel.

Makikitang talagang nag-e-enjoy ang dalawa sa kanilang naging bakasyon kung saan masaya silang nakasakay sa motor at may larawan rin sila sa lion’s head na isa sa mga tourist spot sa Baguio.

Napag-alaman na ang pangalan pala ng non-showbiz dyowa ni Xyriel ay Nathaniel Avila Toledo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xyriel Manabat (@xyrielmanabat_)

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat shookt nang unang makita ang cast ng ‘Dirty Linen’; hindi nangalawang sa pag-arte kahit nawala nang matagal

Tila ang naging bakasyon nila sa Baguio ay naganap noon pang nakaraang buwan dahil nauna rin itong ibandera ni Nathaniel.

Mukhang naging magkarelasyon sila noong January base sa unang post ng binata sa kanyang IG.

Samantala, ibanabandera naman na siya ni Xyriel mula pa noong April sa kanyang TikTok account.

Mayroon pa ngang pumansin at tinanong siya kung bakit ito ang napili niyanh dyowa na sinagot niya ng “Bakit nangingialam ka?”

Matatandaang nagsimula sa showbiz si Xyriel noong bata pa lamang at bumida sa mga Kapamilya teleserye gaya ng “Agua Bendita,” “100 Days to Heaven” at “Wildflower.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay gumaganap siya bilang Tonet sa ABS-CBN TV series na “Dirty Linen.”

Related Chika:
Xyriel Manabat game na game nang sumabak sa pagpapa-sexy sa serye at pelikula, pero may kundisyon…ano kaya yun?

Xyriel Manabat hindi nagsisi na nilayasan noon ang showbiz; feeling lucky nang mapasama sa cast ng ‘Dirty Linen’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending