James Reggie Vidal ng Pilipinas umaasang makabubuo ng ‘brotherhood’ sa mga kapwa kandidato ng Man of the World 2023 pageant
SASABAK na si James Reggie Vidal sa una niyang international competition sa pagsali niya sa 2023 Man of the World pageant ngayon. At makadaragdag pa sa hamon niya ang papel bilang host delegate sapagkat sa Pilipinas muling itatanghal ang pandaigdigang patimpalak, na nasa ikalimang edisyon na ngayon.
“That’s more pressure for me,” tugon ni Vidal sa tanong ng Inquirer sa sendoff press conference para sa kanya sa Illo’s Home Buffet sa Greenhills Elan Suites sa San Juan City noong isang buwan. Iginawad sa kanya ang karapatang maging kinatawan ng Pilipinas sa international male competition nang mapanalunan niya ang pinakamahalagang titulo sa 2022 Misters of Filipinas pageant noong October.
“For how to accommodate my fellow candidates, that won’t be so hard. Because I think my competitors are also very good as a person, and I hope we guys will have a bond, just like a brotherhood,” sinabi ng taga-Ormoc City na tourism student sa University of Cebu Lapu-Lapu Mandaue (UCLM).
“I’m very excited to meet them all,” pagpapatuloy ni Vidal, na sasalubungin sa Pilipinas ang dose-dosenang mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa na inaasahang magsisipagdatingan sa bansa sa darating na mga araw. Sinabi ng pageant organizer na Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc. na Makati City ang host city ng kumpetisyon ngayong taon.
Baka Bet Mo: 5 bagong hari kinoronahan sa Misters of Filipinas pageant
Para sa international pageant, sinabi ni Vidal na tinutukan niya ang physical training. “I’m still preparing my body. This time I’m doubling my effort because I need to work harder on my body. My fellow candidates in this year’s Man of the World, they’re very big and very strong. That’s what I’m preparing, my physical appearance,” ibinahagi niya.
Ngunit nilinaw niyang nagpapatuloy pa rin ang question-and-answer session niya sa mentor niya, at sumasailalim din sa coaching para sa public speaking. “And also my routine and my ‘pasarela,’ it’s gonna be a surprise,” sinabi niya.
Magkakaroon ng kickoff party para sa mga kandidato ng 2023 Man of the World pageant sa House Manila sa Newport World Resorts sa Pasay City sa Hunyo 9. Itatanghal naman ang final competition sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati sa Hunyo 16.
Wala pang Pilipinong nakasusungkit sa titulo bilang Man of the World. Pinakamataas na puwesto na para sa Pilipinas ang pagtatapos ni Clint Karklins Peralta bilang first runner-up sa ikalawang edisyon ng pandaigdigang patimpalak na itinanghal noong 2018.
Related Chika:
Misters of Filipinas Academy bukas na para sa ‘summer boot camp’
Pinoy wagi sa Man Hot Star International contest sa Thailand
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.