Maaaring umabot sa 40 ang lalahok sa 5th Man of the World pageant | Bandera

Maaaring umabot sa 40 ang lalahok sa 5th Man of the World pageant

Armin P. Adina - March 02, 2023 - 05:51 PM

Maaaring umabot sa 40 ang lalahok sa 5th Man of the World pageant

Man of the World Philippines James Reggie Vidal/ARMIN P. ADINA

NASA ikalimang edisyon pa lang ang Man of the World pageant ngunit parami nang parami na ang mga bansang nagkakaroon ng interes sa pandaigdigang patimpalak na itinatag ng Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc.

“As the fastest-growing major male pageant today, Man of the World confirmed the debut of new participating countries such as United Arab Emirates, Trinidad and Tobago, Morocco, Kenya, Cuba, Tunisia, Fiji, Hawaii, Mexico, Martinique, Haiti, and Peru,” sinabi ni Director for Franchising and Licensing Aski Pascual sa “PEPPS 2023 Kickstart” program sa grand ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Maynila noong Peb. 28.

Sinabi rin niyang magbabalik ang “Algeria, Australia, Ecuador, Jordan, Myanmar, Namibia, Syria, and Cape Verde” sa pandaigdigang patimpalak na panlalaking naglalayong isulong ang “masculinity with responsibility.”

At dahil sa tagumpay ng “Festival Kings” presentation ng katuwang na pambansang patimpalak na Misters of Filipinas noong isang taon, magtatanghal ang 2023 Man of the World pageant ng “Parade of Nations” bilang pagbubukas, na halaw sa Olympics.

Kasalukuyang naghahanap ang PEPPS ng katuwang na paaralan na makatutulong sa pagsasagawa ng palatuntunan, kung saan inaasahang paparada ang bawat isang kandidato kasama ang kani-kanilang pangkat na nagpapakita ng kanilang kultura at kinagisnan. Dati nang nagkaroon ng mga katuwang na paaralan ang Man of the World pageant sa pagsusulong ng adbokasiya nito para sa edukasyon.

Naghahanap din ang organizers ng isang katuwang na local government unit sa Visayas na tatanggap sa mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa para sa serye ng preliminary activities. Inaasahang dadating ang mga kandidato sa Pilipinas sa Hunyo 7.

Para sa ikalimang Man of the World pageant, itatanghal ng PEPPS ang coronation program sa Metro Manila sa Hunyo 16. Isasalin ni Aditya Khurana, ang unang hari mula India na kinoronahan sa Baguio noong isang taon, ang kaniyang titulo sa tagapagmana niya.

Kinatawan ng Pilipinas si James Reggie Vidal, na kinoronahang Man of the World-Philippines sa 2022 Misters of Filipinas pageant. Tatangkain ni Vidal, na mula Ormoc City, na maging unang Pilipinong makasusungkit sa pandaigdigang titulo.

Related Chika:
Toni Fowler nag-walkout sa Man of the World, na-bad trip sa organizer: This is too much!

India wagi sa Man of the World pageant; Philippines 2nd runner-up

Man of the World Aditya Khurana titira sa Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending