Miss Chinese World Annie Uson gustong ma-involve pa sa Filipino-Chinese community | Bandera

Miss Chinese World Annie Uson gustong ma-involve pa sa Filipino-Chinese community

Armin P. Adina - June 02, 2023 - 04:48 PM

Miss Chinese World Annie Uson gustong ma-involve pa sa Filipino-Chinese community

Miss Chinese World Annie Uson/ARMIN P. ADINA

NAITALA ni Annie Uson ang unang tagumpay ng Pilipinas sa Miss Chinese World pageant, at nais niyang magamit ang bago niyang korona upang maisulong ang kultura at pamanang Tsino sa mga Pilipino rito at sa ibang mga bansa pa.

“I’m looking forward to being more involved in the Filipino-Chinese community, not just in the Philippines, but to everyone around the world,” sinabi ng bagong reyna sa victory party na ipinagdiwang para sa kanya ng Mutya ng Pilipinas pageant sa showroom ng CWC Interiors sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Mayo 31.

Sinabi rin ni Uson na balak niya “to promote the Chinese culture more, for people to become more aware of the Chinese culture and heritage.” Tinitipon sa taunang Miss Chinese World pageant ang mga babaeng may lahing Tsino mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nakuha ng Mutya ng Pilipinas organization kamakailan lang ang prangkisa para sa naturang patimpalak, na itinatanghal din ng organizer ng Miss Tourism International contest na matagal nang ka-partner ng pambansang patimpalak at kung saan Pilipinas ang pinakamahusay na bansa na may limang panalo.

Nauna nang sinabi ni Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino na maaaring makapagpadala ng hanggang limang kandidata ang isang bansa sa Miss Chinese World pageant, kung saan mga lungsod, bayan, o lalawigan ang kinakatawan ng mga kalahok sa halip ng buong mga bansa. Binitbit ni Uson ang “Manila,” habang “Misamis Oriental” naman ang dinala ni reigning Miss Chinatown Philippines Berjayneth Chee.

Sinabi ng bagong reyna na isang malakas na katunggali para sa kanya ang kababayan, at umasa siyang silang dalawa ang matitira sa entablado. “I know she is capable, I’ve known her before. We went there together, and we went on the trips together,” ibinahagi ni Uson.

Sa pagtatapos ng kumpetisyon, hinirang na first runner-up si Joan Angelina mula Tangerang, Indonesia, habang second runner-up si Yoong Jia Yi mula Melaka. Itinanghal naman si Chee bilang Miss KEMM habang tinanggap din ni Uson ang titulo bilang ONE DOC Miss Charm.

“I feel I’m on cloud nine. On stage, I didn’t feel alone. I know that the whole Philippines was watching live. That gave me the strength and the confidence that I was able to perform onstage, and I’m really grateful for all the support that you guys have given me. And it’s such a wonderful experience for me. And I’m glad to be able to stand on that stage wearing the Philippines sash,” pahayag ni Uson.

Sunod namang ibabandera ng Mutya ng Pilipinas organization si Shannon Robinson na kakatawan sa bansa sa ikalawang edisyon ng Miss Environment International pageant sa India ngayong buwan.

Related Chika:
40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mutya ng Pilipinas Klyza Castro maipapasa na ang korona makalipas ang 3 taon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending