Mutya ng Pilipinas Klyza Castro maipapasa na ang korona makalipas ang 3 taon
NOONG 2019 pa nasungkit ng Davaoeñang si Klyza Castro ang korona bilang Mutya ng Pilipinas. At ngayong dumating na ang panahon kung kailan niya bibitawan ang titulo, sinabi niyang nakadarama siya ng “sense of relief” na maisasalin niya ito sa isang bagong reyna, na inaasahan niya ay tulad din niya.
“I remember Mutya’s branding of trying to find hometown girls. I want to retain that. I want to find someone who really knows the culture of where they came from, at the same time the values and the core principles of the province or the hometown that they represent, transcending the beauty that we have,” sinabi niya sa Inquirer sa press presentation ng mga kandidata sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City noong Nob. 23.
Habang nakapahinga ang patimpalak noong 2020 at 2021 dahil sa COVID-19pandemic, nakapagtapos ng pag-aaral si Castro at sumabak sa pagmomodelo at pagho-host. “There’s just so much gratitude for Ma’am Cory (Quirino, Mutya ng Pilipinas president) and Sir Fred (Yuson, Mutya ng Pilipinas Chairman) and the Mutya organization for seeing my potential and taking care of me all these years,” aniya.
Nagpahiwatig din siya ng maaaring pagbabalik sa entabaldo ng pageantry makaraang makapagsalin ng korona. “Now I’m Manila-based, so I guess you’ll see me again soon,” ibinahagi niya.
Ngunit bago siya masilayan ng publiko sa ibang patimpalak, magho-host muna si Castro sa 2022 Mutya ng Pilipinas coronation night kasama ang reporter na si Gretchen Fulido at aktor na si Marco Gumabao.
Apatnapung dilang mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mula sa mga pamayanang Pilipino sa ibayong-dagat ang magtatagisan sa patimpalak na itatanghal sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City sa Dis. 4.
Ngayong taon, apat na titulo ang igagawad sa pambansang patimpalak—Mutya ng Pilipinas 2022, Mutya ng Pilipinas-Tourism International, Mutya ng Pilipinas-World Top Model, at Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities.
Tatanggap din ang runners-up ng mga espesyal na titulo—Mutya ng Pilipinas-Luzon, Mutya ng Pilipinas-Visayas, at Mutya ng Pilipinas-Mindanao—katulad ng nakagawian noong mga unang taon ng patimpalak.
Related Chika:
40 kandidata magtatagisan sa ‘comeback edition’ ng Mutya ng Pilipinas pageant
Huling tawag para sa mga aplikante ng Mutya ng Pilipinas pageant sa Nob. 20
Mutya ng Pilipinas pageant tagisan ng mga beterana, baguhan, at overseas beauties
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.