Mula kay Jenny Sarita ng Compostela Valley. September 13, 1987 ang birthday ko at February 5, 1982 naman ang husband ko, compatible po ba kami?
Tugon ni Madam: Ayon sa birthday mong September 13, 1987 at February 5, 1982 naman ang husband mo, tugma at compatible kayo.
>>>
Mula kay Ronnie ng …5381, Iloilo City. November 16, 1992 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-girlfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa zodiac sign mong Scorpio sa birth date na 7, sa taong 2014 kapa magkaka-girlfriend sa edad mong 26 hatid ng isang babaing Cancer.
>>>
Mula kay Ely Liboon ng Kidapawan City. Mapo-promote ba ako ngayong taon ito sa aking trabaho?
Tugon ni Madam Sophia: Kung ikaw ay isinilang sa zodiac sign na Taurus, Virgo, o kaya’y Libra, tiyak ang magaganap sa taong ito ng 2013 hanggang 2014 mapo-promote ka sa iyong trabaho at madadagdagan pa ang iyong suweldo.
>>>
Mula kay Vangie ng …4809, Mabalon City. April 12, 1970 ang birthday ko at August 21, 1968 ang mister ko. Kailan kaya kami magkakaroon ng sariling bahay?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 12, 1970 sa taong 2015 sa edad mong 45 pataas magkaka-roon ka na kayo ng sariling house and lot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.