Flagbearers kinoronahan sa Binibining Pilipinas 2023 pageant sa mismong National Flag Day; Angelica Lopez ng Palawan lalaban sa Miss International | Bandera

Flagbearers kinoronahan sa Binibining Pilipinas 2023 pageant sa mismong National Flag Day; Angelica Lopez ng Palawan lalaban sa Miss International

Armin Adina - May 29, 2023 - 12:16 AM

Flagbearers kinoronahan sa Binibining Pilipinas 2023 pageant sa mismong National Flag Day

Bb. Pilipinas International 2023 Angelica Lopez

HABANG ginugunita ng bansa ang “National Flag Day” noong Mayo 28, kinoronahan naman sa 2023 Binibining Pilipinas pageant ang flagbearers ng Pilipinas, na babandera sa pandaigdigang entablado.

Sa pagtatapos ng grand coronation night ng patimpalak sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Quezon City noong Mayo 28, kinoronahan si Angelica Lopez mula sa Palawan bilang Bb. Pilipinas International ni reigning Miss International Jasmin Selberg mula Germany, at ni Nicole Borromeo na nagwagi sa pambansang patimpalak noong isang taon.

Ang bagong reyna ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa ika-62 Miss International pageant sa susunod na taon. Si Borromeo pa ang magbibitbit sa bandera ng Pilipinas sa susunod na edisyon ng pandaigdigang patimpalak na itatanghal sa Japan sa Oktubre, kung saan kokoronahan ni Selberg ang magiging tagapagmana niya.

Panalo rin si Anna Valencia Lakrini mula sa Bataan na tinanggap ang titulong Bb. Pilipinas Globe mula kay Chelsea Fernandez. Ibabandera ng bagong reyna ang Pilipinas sa 2023 Miss Globe pageant ngayong taon din.

Baka Bet Mo:

Napili ang dalawang bagong reyna mula sa hanay ng 40 kalahok sa kumpetisyon ngayong taon. Hinirang namang first runner-up si Katrina Anne Johnson ng Davao Del Sur habang nagtapos bilang second runner-up si Atasha Reign Poblete Parani ng General Trias, Cavite.

Ang katatapos na paligsahan ang ika-59 edisyon ng pambansang patimpalak.

Lumabas din si Selberg sa iba pang mga bahagi ng palatuntunan. Rumampa siya sa opening segment kasama ang 40 kalahok at mga reyna ng 2022, at naging bahagi pa ng judging panel.

Anna Valencia, Bb. Pilipinas Globe 2023

Kinapanayam din siya ng mga host, sina 2018 Miss Universe Catriona Gray, 2016 Miss Grand International first runner-up Nicole Cordoves, at 2014 Miss Universe Philippines Mary Jean Lastimosa, bago tawagin ang mga nagwagi.

Si Selberg ang unang banyagang reigning international titleholder na nakatuntong sa entabaldo ng Bb. Pilipinas pageant.

Mga reyna ng mismong pambansang patimpalak na nagsipagwagi sa kani-kanilang pandaigdigang kumpetisyon ang mga dating reigning international queen na sumampa sa entablado.

Inaliw din ang mga manonood ng mga pagtatanghal ng ilan sa pinakamatutunog na performers ng bansa.

Binuksan ni Darren Espanto ang palatuntunan sa kaniyang maindak na pag-awit sa Bb. Pilipinas theme song na “Win Your Heart,” habang pinainit naman ni “Unkabogable” queen Vice Ganda ang entablado sa pag-awit niya ng “Rampa” sa semifinal swimsuit round. Nagtanghal din ang P-pop group na Alamat.

*Isa ang manunulat na ito sa writers ng 2023 Bb. Pilipinas Grand Coronation Night.

Red flag yarn: Slater Young binanatan sa naging reaksyon tungkol sa mga lalaking nagpapantasya ng ibang babae kahit may dyowa na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

National director at pambato niya kapwa kinoronahan sa Australia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending