Willie umatras na sa Viva, hindi na pipirma ng kontrata; nagkaproblema sa usapang pera | Bandera

Willie umatras na sa Viva, hindi na pipirma ng kontrata; nagkaproblema sa usapang pera

Reggee Bonoan |May 28,2023
facebook
share this

Willie umatras na sa Viva, hindi na pipirma ng kontrata; nagkaproblema sa usapang pera

Reggee Bonoan - May 28, 2023 - 08:18 PM

Willie umatras na sa Viva, hindi na pipirma ng kontrata; nagkaproblema sa usapang pera

Willie Revillame

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA tungkol sa US concert tour ni Willie Revillame sa pamamahala ng Viva Entertainment.

Nang isulat namin ang balita ay pipirma pa lang si Willie sa Viva bilang bagong manager niya base sa kuwento ng aming source.

Pero kaninang hapon sa umereng “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ay ibinalitang hindi na tuloy si Willie sa Viva pati na ang kanyang US concert tour.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)


Bungad ni ‘Nay Cristy, “Di ba ibinalita natin na magkakaroon ng US tour si Willie Revillame sa iba’t ibang bahagi ng Amerika (at) baka isunod na ‘yung Canada at Europa, ang mamamahala ay ang Viva Entertainment at napakagandang balita ito para sa kanyang mga tagahanga.

“Hindi na matutuloy pati ‘yung pagpirma niya ng kontrata sa Viva hindi natuloy. Ang kuwento ng aking source (ay) nag-meeting na raw si Boss Vic del Rosario at si Willie Revillame nagkasunod na kukuha ng 20 percent ang Viva sa lahat ng kikitain ng konsyerto ni Willie.

“So, okay na wala na raw problema pasable na kay Willie. Aba pagkatapos daw ng ilang araw meron na naman daw kakaltasin na 20 percent para sa booking at finder’s fee, e, di 40 percent na?” sabi pa ni Nay Cristy.

Bumaling ang manunulat at host kay Wendell at tinanong kung sa kanya mangyari ay papayag ba siyang kunan ng 40% at 60% na lang ang matitira.

Sagot kaagad ng co-host ng “SNN”, “Ay hindi ako papayag! Ito na nga ba ang sinasabi ko, nagharap (muwestra) ang dalawang makuwenta.”

Natawa sina Romnel Chika at Nanay Cristy, “Oo. Ha-hahaha! Parehong negosyante.”

Paliwanag ni Wendell ay wala nang matitira kung 60% na lang dahil si Willie raw magbabayad ng sarili niyang staff at pati mga pamasahe ng buong produksyon.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz ‘binanatan’ si Willie Revillame: Sana na-happy siya sa kanyang panunumbat

Sang-ayon naman si Nanay Cristy, “Siyempre sagot ng production ‘yun. Ang pinakamalinaw na sagot ay siya (Willie) ang performer, siya ang haharap sa tao, siya ang magpapasaya, siya ang magpe-perform. Bakit naman 60% lang ang kanya?”

Opinyon naman ni Romel Chika, “Siguro ang sagot naman ng Viva ay ako ang magma-marketing, ako ang magbo-book. Pupunta ako sa mga lugar na dapat mong mapuntahan.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Willie Revillame – Wowowin (@willrevillame)


Say din ni ‘Nay Cristy, “At may mga producers kaming kinakausap na siyempre magkakaroon din (komisyon), e, kaso hindi na yata pumayag na si Willie, so, wala na po ang concert pati ang sinasabing pagpirma niya sa Viva dahil hindi na natuloy dahil na rin dito sa karagdagang 20% uli sa kikitain ng konsyerto.”

“Ayaw niya ng 60-40 ang hatian,” saad ni Romel Chika.

Dagdag pa, “Pero seryoso ‘Nay kung ako lang si Kuya Will tatanggapin ko kasi ibang mag-market kasi ang Viva. Di ba mayroon pa silang Viva abroad?”

At napag-usapan pa na ang mga show ni Sarah Geronimo at ibang kilalang personalidad sa ibang bansa na Viva Entertainment ang namahala ay lahat soldout.

Sabi ni ‘Nay Cristy, “Kung baga nakatayo na ‘yan. Isang tawag lang ni boss Vic (sa agents) sa abroad na sasabihing mag-ready na kayo sa mga tickets selling.

“Napakagaling ng Viva sa ganyan!  Ewan ko lang bakit tinanggihan ni Willie ito dapat habang wala siyang TV show aba dito na muna siya sa pagko-concert sa iba-ibang bansa. Pero mayroon daw sorpresa, eh na may binubuong programa si Willie ngayon pero hindi na sa network mapapanood,” sabi ng batikang manunulat.

“Oo kasi hindi na siya (Willie) puwede sa GMA, sa TV5 at ABS (CBN),” say ni Romel Chika.

“Oo, kasi may lamat na, eh. So, saan sa NET 25?” tanong ni Nanay Cristy.

“Yan ang aabangan natin baka sakali,” ani Romel Chika.

“Sayang ang oportunidad na mapanood sana ng ating mga kababayan si Willie. Pero mas sayang kay Willie dahil ito ang pagkakataong puwede niyang abutin an gating mga kababayan sa iba’t iba dako ng mundo pero hindi pa natuloy,” pahayag ni Nanay Cristy.

Samantala, hindi naman malinaw kung tuloy pa rin na Viva ang mamahala sa social media accounts ni Willie dahil sabi ng aming source, “Viva is now handling Willie Revillame’s show on social media.”

Willie Revillame hina-handle na ng Viva, magkakaroon ng concerts sa ibang bansa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie ayaw daw munang magtrabaho; Cristy sa sulsulerang staff ng TV host: ‘Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending