Kasal nina Robi at Maiqui magiging private event: 'Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us' | Bandera

Kasal nina Robi at Maiqui magiging private event: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Kasal nina Robi at Maiqui magiging private event: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 07:52 AM

Kasal nina Robi at Maiqui magiging private event: 'Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us'

Robi Domingo at Maiqui Pineda

NATATAWANG inamin ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo na “napapagalitan” siya ng kanyang fiancée na si Maiqui Pineda kapag nagkukuwento about their upcoming wedding.

Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang preparasyon ng future husband and wife sa kanilang dream wedding na mangyayari na raw very, very soon.

Sa panayam kay Robi ng Push pagkatapos ng “The Voice Kids Grand Showdown” last Sunday, May 21, muli siyang nagbigay ng update patungkol sa magaganap na intimate wedding nila ni Maiqui.

Sey ng Kapamilya host, ine-enjoy lang nila ang kanilang journey sa pagpe-prepare para sa kanilang wedding sa kabila ng kakambal nitong stress at pressure.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


“Kasi kapag nagsasalita ako about wedding stuff, at the end of the day napapagalitan ako ng fiancée ko, eh. So progress-wise, I think a couple of weeks ago, from 5% we jumped to 55%,” pahayag ni Robi.

Aniya pa, “So ang daming nagawa, pagod, ang daming inaasikaso, but we’re in the process now of enjoying the whole thing. Kasi the first initial stages, ang hirap pala nu’n.”

Baka Bet Mo: Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

“Together nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us. It will be a private event. But it’s going to be something meaningful and close to my heart,” dagdag pang pagbabahagi ni Robi.

Taong 2018 nang maging magkarelasyon sina Robi and Maiqui. Noong November, 2022 naman nag-propose ang TV host sa kanyang fiancée nang magbakasyon sila sa Japan.

Sa isang panayam kay Robi, nabanggit niya na handang-handa na siyang i-level up ang relasyon nila ni Maqui, “I think I’m ready to have that certain level up in our relationship.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


“So, yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko din sa kanya ‘to a couple of weeks before, wala man akong market, may forever naman ako,” sey ng binata.

“Wala naman na akong ibang naiisip na gawin, wala naman na akong ibang nakikita. And I think I’m ready.

“Kapag nagawa mo na ‘yung mga gusto mo sa buhay, na-achieve mo na, and when you’re stable, that’s when you feel you are going to be partially ready. But to complete that, kailangan alam mong handa kang tumaya, handa kang ibigay lahat.

“Kasi ako just think about it, kahit gusto kong sabihin na kinakabahan ako, mas nangingibabaw ang excitement ‘cause I know it’s going to be a fun journey with her,” aniya pa.

Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending