Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino super happy sa pagkapanalo ng unang kandidatang bumandera abroad | Bandera

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino super happy sa pagkapanalo ng unang kandidatang bumandera abroad

Armin P. Adina - May 23, 2023 - 01:03 PM

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino super happy sa pagkapanalo ng unang kandidatang bumandera abroad

Kasama nina Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino (ikatlo mula kaliwa) at Chairman Fred Yuson (kaliwa) sina (mula kaliwa) reigning Mutya ng Pilipinas Iona Gibbs, Changan Motors Philippines President Fe Agudo, Mutya ng Pilipinas-Visayas Megan Deen Campbell, at si Annie Uson bago siya makoronahan bilang 2023 Miss Chinese World./ARMIN P. ADINA

MAKARAAN ang dalawang-taong pahinga, pasabog ang pagbabalik ang Mutya ng Pilipinas pageant. Nakasungkit ng pandaigdigang titulo ang unang reynang isinabak nito abroad, si Annie Uson na kinoronahang 2023 Miss Chinese World sa Malaysia.

Bago ang pagtatanghal noong Disyembre ng isang taon, huling nagsagawa ng kumpetisyon ang patimpalak noong 2019 pa. Walang contest noon 2020 at 2021 dahil sa COVID-19 pandemic. Sa pagbabalik nito, nakakuha pa ang Mutya ng Pilipinas pageant ng mga bagong lisensya mula sa ilang international organizations kaya nagtalaga ito ng mga bagong reyna, kabilang si Uson, semifinalist sa 50th anniversary edition noong 2018.

Sa isang online interview ng Inquirer, sinabi ni Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino na nilatag ng tagumpay ng bagong reyna ang “tone and pace for Mutya Ng Pilipinas. We begin our year by winning a significant crown in a relatively young pageant that advocates solidarity and unity among all women while taking pride in their Chinese ancestry.”

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino super happy sa pagkapanalo ng unang kandidatang bumandera abroad

Kasama ni Mutya ng Pilipinas Chairman Fred Yuson (pangalawa mula kaliwa) ang mga reyna niyang sina (mula kanan) Mutya ng Pilipinas-Visayas Megan Deen Campbell, Mutya ng Pilipinas Iona Gibbs, at si Annie Uson na kinoronahang 2023 Miss Chinese World./ARMIN P. ADINA

Hinandog din sa bansa ng national pageant organizer ang tagumpay ni Uson, at sinabing, “this crown is for you, our beloved Philippines!” Dinaig niya ang mahigit isang dosenang kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang masungkit ang korona sa patimpalak na idinaos sa Kuala Lumpur noong Mayo 20.

Binati ni Quirino ang Pilipinang reyna para sa pagtatala ng unang panalo ng bansa sa naturang patimpalak. “You have brought great pride to the Philippines. Thank you for your outstanding presence and impressive participation at the Miss Chinese World Pageant,” aniya.

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino super happy sa pagkapanalo ng unang kandidatang bumandera abroad

Mutya ng Pilipinas President Cory Quirino (kaliwa) at Mutya ng Pilipinas-Luzon Shannon Robinson/ARMIN P. ADINA

Tinukoy din niya ang naging papel ng pamabansang patimpalak niya bilang “stepping stone for every aspiring queen,” at sinabing, “we take this seriously by giving every candidate a chance to compete in the international stage with success.”

Sinabi ni Quirino na nagbabalak ang Mutya ng Pilipinas pageant ng isang homecoming at press conference para kay Uson, at sinisilip pa nila ang iskedyul ng reyna ngayon.

Pagkatapos ni Uson, si Mutya ng Pilipinas-Luzon Shannon Robinson naman ang sunod na lalaban. Ibabandera niya ang Pilipinas sa ikalawang edisyon ng Miss Environment International pageant sa India sa susunod na buwan. Tatangkain niyang daigin ang nakamit ni Michelle Arceo na ikalawang puwesto sa unang edisyon ng pandaigdigang patimpalak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending