Chito nagpa-picture kay Belle: 'Sabi ko para sa wife ko, pero sa totoo tuwang-tuwa talaga ako sa kanila ni Donny' | Bandera

Chito nagpa-picture kay Belle: ‘Sabi ko para sa wife ko, pero sa totoo tuwang-tuwa talaga ako sa kanila ni Donny’

Ervin Santiago |May 23,2023
facebook
share this

Chito nagpa-picture kay Belle: ‘Sabi ko para sa wife ko, pero sa totoo tuwang-tuwa talaga ako sa kanila ni Donny’

Ervin Santiago - May 23, 2023 - 07:03 AM

Chito nagpa-picture kay Belle: 'Sabi ko para sa wife ko, pero sa totoo tuwang-tuwa talaga ako sa kanila ni Donny'

Belle Mariano at Chito Miranda

HINDI rin napigilan ng OPM icon na si Chito Miranda ang magpaka-fanboy nang makita nang personal ang Kapamilya young actress na si Belle Mariano.

Ayon kay Chito, gustung-gusto niya ang tambalan nina Belle at Donny Pangilinan at talagang pinanood niya ang pinagbidahang serye ng nagka-loveteam na “He’s Into Her.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Parokya ni Edgar frontman ng litrato nila ni Belle na ikinatuwa naman nang bonggang-bongga ng DonBelle supporters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


Sa inilagay niyang caption dito, sinabi ni Chito kung bakit siya nagpa-picture sa screen partner ni Donny. By the way, Sa mga hindi pa masyadong aware, second cousin ni Chito ang young actor-TV host.

Sabi ng singer-songwriter sa unang bahagi ng kanyang IG post, para raw sa asawa niyang si Neri Naig ang ni-request niyang picture kay Belle, pero umamin din siya sa tunay na rason.

“Nakita ko at nagpa-picture ako kay Belle Mariano. Sabi ko para sa wife ko, pero sa totoo tuwang-tuwa talaga ako sa kanila ni Donny sa ‘He’s Into Her,'” ang buong pahayag ni Chito.

Baka Bet Mo: Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?

Naaliw at na-good vibes naman ang DonBelle fans sa IG post ni Chito kasabay ng pagpapasalamat sa award-winning singer-songwriter sa pagmamahal at pagsuporta sa kanilang mga idol.

“Hahaha… ako rin tong unang nanood ng He’s into Her… then i told my wife na panooring mo tong serye na to, ang ganda… ngayon yung wife ko ang fan ng DonBelle! Lahat ng ganap nila, updated si Misis.”

“Napakilig ng Donbelle ang nagiisang Mr. Chito Miranda.”

“OhEmGee! Ang cuteeee!  Thanks Sir Chito! Blooming ni Belle.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


“Thank you @chitomirandajr and @belle_mariano ang babait sobra. Thank you for being part of our #Bayanihan2023.”

“What if a performance of you po sir @chitomirandajr ate @moiradelatorre and our @belle_mariano in one stage? Parang ang sayaaa!”

“Ahahah kala ko aswa ko lng ang natuwa sa hes into her typical n nkakaloka pala talaga ang donbelle. cute kiligin ng mga aswa natin sa batang loveteams.. #kunyarebagets.”

Ilan lang yan sa mga nabasa naming comments sa post ni Chito.

Maxene puring-puri sina Belle at Donny: They are very authentic, walang kayabang-yabang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donny Pangilinan taken na raw sabi ni Julia, ‘in a relationship’ na nga ba kay Belle Mariano?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending