Wilbert Ross, Nikko Natividad pinag-aagawan si Yassi, netizens aliw na aliw: ‘Sino talaga ang makapal mukha sa inyo?!’

Wilbert Ross, Nikko Natividad pinag-aagawan si Yassi, netizens aliw na aliw: ‘Sino talaga ang makapal mukha sa inyo?!’

Wilbert Ross, Yassi Pressman, Nikko Natividad

BENTA sa maraming netizens ang bardagulan umano ng hashtag members na sina Wilbert Ross at Nikko Natividad.

Ang kanilang pinag-aawayan kasi ay ang aktres na si Yassi Pressman.

Kung akala niyo eh totoong may away ang dalawa, pero ayon sa fans ay ganyan lang talaga mag-asaran ang nasabing grupo.

Sa isang Instagram post, makikita ang isang screenshot na nagsagutan ang dalawa at pinagtatalunan kung sino ang mas bagay para kay Yassi.

Sey ni Nikko kay Wilbert, “Kapal din ng mukha mo pare. Ako ang LEADING MAN ni @yassipressman. Naiinggit ka ba sa narating ko.”

Baka Bet Mo: Nikko Natividad aminadong mas ‘bastos’ kay Wilbert Ross; nanginig sa takot nang makipag-love scene sa pelikula

Sagot naman sa kanya ni Wilbert, “@nikkonatividad napaka kapal ng mukha. Pasalamat ka masyado akong busy sa project kaya binigay sayo ‘yung role. Tsaka ‘di kayo bagay, nagmukha kang driver ni Yassi, kailangan mo pa ng elevator shoes para lumagpas sa kanya konti.”

Kasabay niyan ay ‘yung caption ni Wilbert na, “Eh wala nga kayong ka chemistry chemistry ni @yassipressman onscreen eh. Nagmumukha kang extra nya na may lines. Nirereklamo na sakin ni direk @easyferrer hays.”

“Manuod ka ng MV ko para malaman mo meaning nung effortless chemistry,” ani pa niya sa IG post.

Naaliw naman ang maraming fans sa dalawa at narito ang naging komento nila sa nasabing post:

“Kulang sa aruga mga naniniwalang totoong away ang post! [laughing emojis]”

“Nagbibiruan lang e. Si kagat naman ang iba. HAHAHAHA!”

“Kung di mo sila kilala ewan ko nalang [laughing emojis].”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Nikko ang katambal ni Yassi sa comedy project na “Kurdapya.”

Habang naging ka-loveteam ng aktres si Wilbert sa music video nito na may titulong “Nakangiti.”

Related Chika:

Read more...