Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: 'It will come at the right time' | Bandera

Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: ‘It will come at the right time’

Ervin Santiago |May 22,2023
facebook
share this

Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: ‘It will come at the right time’

Ervin Santiago - May 22, 2023 - 07:24 AM

Jake Cuenca wala pang time para sa lovelife, pero pwede nang makipag-date: 'It will come at the right time'

Chie Filomeno at Jake Cuenca

MARAMI ang nagsasabi na feeling nila ay magdyowa na ngayon sina Jake Cuenca at Chie Filomeno base na rin sa kanilang mga tinginan at galawan kapag magkasama.

Pero paulit-ulit na sinasabi ni Jake sa mga interview na single pa rin siya hanggang ngayon mula nang maghiwalay sila ng kanyang huling girlfriend na si Kylie Verzosa.

Sa presscon nga ng sitcom niya sa TV5 na “Jack And Jill sa Diamond Hills” ay todo tanggi pa rin siya na may ipinalit na siya kay Kylie sa gitna ng mga chika na nililigawan nga niya si Chie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)


“Wala, wala pa. Parang ano e, hindi, wala pa. But right now I think, ang dami kong ginagawa to be honest and parang… nagkasakit nga ako, e.

“Nagkaroon na ako ng, ‘The show must go on’ moment habang ginagawa ko yung play, may sakit na ako, hindi ko na alam kung kaya kong gawin. But we did it,” ang pahayag ng Kapamilya actor na ang tinutukoy ay ang sexy play na  “DickTalks.”

Baka Bet Mo: Chie Filomeno tumigil sa pagsasayaw matapos ma-bash dahil sa viral video

“It will come at the right time, I think. Tsaka parang for now parang I’m happy with my current situation,” pahayag pa ni Jake.

Ready na naman daw siyang makipag-date uli matapos ma-brokenhearted nang maghiwalay sila ni Kylie matapos ang ilang taong relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“I’m open to it. I’m open to it, pero for now parang this is no time, wala talagang time, e. Kakatapos lang nu’ng play ko and then we’re here now, (Jack and Jill Sa Diamond Hills), but I’m grateful for this.

“Kumbaga, ito yung tipong problema na I’d like to have, alam mo yun? Na sa gitna ng pandemya sana ito yung problema ko nu’n, parang ganu’n,” natatawang pagbabahagi pa ni Jake na ang tinutukoy ay ang kanyang pagkakasakit dahil super loaded nga siya sa trabaho.

* * *

Handang masaktan alang-alang sa pag-ibig

Ibinida ng dating “Idol Philippines” season 2 contestant na si Chester Padilla ang dalamhati na dala ng pag-ibig sa kanyang bagong awitin na “Ako Na Lang Muna.”

Hatid ng hugot ballad na isinulat ni Kikx Salazar ang paghahangad sa pag-ibig kahit na masaktan ang sariling damdamin. Ito ang ikalawang awitin ni Chester sa ilalim ng Old School Records at Star Music.

“It feels like it was really written for me. I used to be that kind of person who’s willing to love selflessly. I came to a point where I settled for being the temporary fix, the lover who’s content with just the bare minimum,” ani Chester.

Sumali siya sa ikalawang season ng “Idol PH” kung saan nakatanggap sya ng Platinum ticket at umani ng maraming views ang performance niya ng “With A Smile” at “Leaves.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chester Padilla (@chesterpadilla)


“I started doing song covers on day one. I had no idea I would be able to interpret songs and have it released one day,” kwento ni Chester.

“I joined my first reality singing competition on Idol Philippines Season 2 and was able to get one of the four platinum tickets during my audition.

“The utmost pride I have during that time was I fully realized the kind of singer I aspire to be. I want to be able to touch hearts by telling a story, may it be inspirational or hurtfully piercing,” aniya pa.

Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng iba’t ibang awitin tulad ng “Kung Nais Mo Na” at “Dating Atin” habang nakasama naman sa Spotify Fresh Finds Philippines playlist ang latest single niya na “Ako Na Lang Muna.” Ilan sa kanyang musical influences ay ang The Script, Maroon 5, at Coldplay.

Damhin ang emosyon ng “Ako Na Lang Muna” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang lyric video nito sa ABS-CBN Music YouTube channel.

Chie Filomeno mine-message na ni Kyle bago pa sila pumasok sa ‘PBB’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jake Cuenca sa mga pinagdaanan sa buhay: Talo ka naman talaga if you don’t learn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending