Pokwang naiyak matapos maalala ang dasal ni Malia para sa ama

Pokwang naiyak matapos maalala ang dasal ni Malia para sa ama: Napaka-unselfish ng bata, pero…

Pauline del Rosario |May 19,2023
facebook
share this

Pokwang naiyak matapos maalala ang dasal ni Malia para sa ama: Napaka-unselfish ng bata, pero…

Pauline del Rosario - May 19, 2023 - 03:42 PM

Pokwang naiyak matapos maalala ang dasal ni Malia para sa ama: Napaka-unselfish ng bata, pero…

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

NAGING emosyonal at hindi na napigilang umiyak ni comedienne-actress na si Pokwang matapos mapag-usapan sa isang online interview ang kanilang anak ni Lee O’Brian na si Malia.

Ayon kay Pokwang, masaya naman ngayon ang kanyang anak kahit aware naman daw ito sa paghihiwalay nila ng estranged husband.

“Masaya siya. Masaya ‘yung bata. Alam niya. Ang bata nakakaramdam naman ‘yan e,” sey niya sa veteran journalist na si Karen Davila sa YouTube interview.

Dagdag pa niya, “Mas gusto niya na kaming dalawa ‘yung magkasama. Siguro kasi hindi naman siya ganun ka-bonding doon sa tatay niya.”

“Lately nalang siya nagpapaka tatay. Nagtataka nalang ako kung bakit. Kasi for five years, hindi naman namin naramdaman na may tatay pala si Malia,” saad pa niya.

Baka Bet Mo: Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

Kasunod niyan ay ibinunyag ni Pokwang na ang pag-iyak ni Malia ang naging hudyat niya upang tuluyan nang hiwalayan ang dating partner.

Tanong sa kanya ni Karen, “When is the right time to say goodbye?”

Mabilis na sagot ng komedyana, “Kapag nakita kong umiyak ang anak ko, e umiyak na.”

Biglang mapaiyak si Pokwang at sabay ikinuwento na, “Tuwing gabi kasi nagpe-pray ‘yung bata.”

“Tinuturuan ko ‘yung bata na maging madasalin. Tinuturan ko ‘yung bata na bago matulog, magpasalamat,” patuloy niya.

Chika pa niya, “Meron siyang isang dasal na, ‘thank you kay mama, si dada bahala ka na po sa kanya kung hindi na siya babalik sa amin. Protect him.’ See, napaka-unselfish ng bata.”

“And then umiyak siya. ‘Nung nakita kong umiyak na ang anak ko, ‘okay that’s it’,” aniya.

Paliwanag pa niya, “Kasi pag umiyak na ngayon ang anak mo na malaki na siya na may isip na siya, iba ‘yun. Pain na ‘yun sa isang ina.”

Dahil daw nasaktan siya sa kanyang nakita, ipinangako niya raw kay Malia na lalaban siya para sa anak at hinding-hindi niya ito pababayaan.

“Lalaban tayo. Andito si mama, hindi kita pababayaan,” sambit ni Pokwang.

Ani pa niya, “Maaaring walang presence si dada pero andito ako. Gagawin ko ang lahat kung ano man ang pagkukulang niya, ibibigay ko lahat sayo nang triple.”

Advice pa niya sa mga katulad niya na may kaparehong pinagdadaanan sa pag-ibig, “Magamahal kayo nang magmahal. Ngayon kung nasaktan kayo, ganun talaga. Maghi-heal din ‘yan then huwag mo sisisihin ang sarili mo.”

“Kunin mo lang ‘yung lesson. And then now na natuto ka, nakita mo na ‘yung mga pain na nagdulot sa’yo, mahalin mo na ang sarili mo,” saad pa niya.

Noong Marso lamang ay nabanggit ng komedyana na inaayos na niya ang mga legal na dokumento para matanggal na ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at isunod na ito sa kanyang surname na “Subong.”

Kung maaalala, isa sa mga rason kaya niya hiniwalayan at pinalayas ang dating partner dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Verzosa biglang umiyak sa ‘Showtime’ nang tanungin ni Vice Ganda tungkol sa ‘hiwalayan’

Jovit binigyan ng ‘lucky charm’ si Marcelito: Nu’ng malaman kong wala na siya, umiyak lang po ako nang umiyak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending