Stacey Gabriel umaasang may sisterhood nang namamagitan sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2023 | Bandera

Stacey Gabriel umaasang may sisterhood nang namamagitan sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2023

Armin P. Adina - May 17, 2023 - 07:02 PM

Stacey Gabriel umaasang may sisterhood nang namamagitan sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023

Bb. Pilipinas second runner-up Stacey Gabriel/ARMIN P. ADINA

HALOS tatlong buwan nang magkakasama ang mga kalahok ng 2023 Binibining Pilipinas pageant mula nang mapili bilang mga opisyal na kandidata nitong Pebrero, kaya umaasa si second runner-up Stacey Gabriel na nagkaroon na sila ng “loyal and meaningful bonds” sa isa’t isa sa ngayon.

“I hope they develop genuine sisterhood. I think that is something that you will for sure take away when you join a pageant,” sinabi ni Gabriel sa Inquirer sa isang panayam sa pagbubukas ng national costume photo exhibit sa Gateway Mall sa Araneta City sa Quezon City noong Mayo 16.

“If you set your sights on solely the crown, I mean that’s one, two, three, or four crowns out of 40 girls, so really, you should come in with a mindset of ‘if I come away with a lifelong friendship, I will have already won,’” pagpapatuloy niya.

Sinabi ng aktres na noong lumaban siya noong isang taon, nakasalalay na lang siya sa “pure adrenaline” sa yugtong ito ng patimpalak. Dahil sa sunod-sunod na events, mahahabang rehearsals, at inuumagang paghahanda ng kani-kanilang mga team, pinayuhan niya ang mga kandidata na uminom na ng mga health supplement.

Stacey Gabriel umaasang may sisterhood nang namamagitan sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2023

Bb. Pilipinas second runner-up Stacey Gabriel/ARMIN P. ADINA

At dahil nalalapit na ang pagtatapos ng patimpalak, pinaalalahanan ni Gabriel ang mga kandidata na mag-ipon ng lakas ng isip, katawan, at puso, at nakiusap sa kanilang bawas-bawasan ang paggamit ng social media. “Don’t get stuck in the infinite scroll. Don’t read comments, you know, really just try to have tunnel vision, and remember why you began in the first place, and recenter yourself, and refocus yourself on your passion,” aniya.

Ibinahagi rin ni Gabriel kung gaano siya nagbago dahil sa pagsabak sa pageantry. Inilarawan niya ang sarili noong isang taon na nakakulong sa isang kahon at mababa ang pananaw sa sarili. “Joining Bb. Pilipinas allowed me to fully embrace what makes me unique, and what sets me apart. Even these perceived flaws that some unkind people throw my way, I now completely love and really appreciate,” aniya.

Sasamahan siya ng 2022 batchmates niyang sina Bb. Pilipinas International Nicole Borromeo, Bb. Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano, Bb. Pilipinas Globe Chelsea Fernandes, at Bb. Pilipinas Grand International Roberta Tamondong sa grand coronation night sa Mayo 28 sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City.

Tampok sa coronation program ang pagtatanghal ni Vice Ganda, at magbabalik si 2018 Miss Universe Catriona Gray bilang host. Dadalo rin si reigning Miss International Jasmin Selberg mula Germany. Maari nang bumili ng tickets sa grand coronation night sa Ticketnet.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending