Nickelodeon star Eduard Banez saludo sa lahat ng nanay, super celebrate ng Mother's Day: 'I gave my mom chocolates and gift cards' | Bandera

Nickelodeon star Eduard Banez saludo sa lahat ng nanay, super celebrate ng Mother’s Day: ‘I gave my mom chocolates and gift cards’

Ervin Santiago |May 17,2023
facebook
share this

Nickelodeon star Eduard Banez saludo sa lahat ng nanay, super celebrate ng Mother’s Day: ‘I gave my mom chocolates and gift cards’

Ervin Santiago - May 17, 2023 - 03:45 PM

Nickelodeon star Eduard Banez saludo sa lahat ng nanay, super celebrate ng Mother's Day: 'I gave my mom chocolates and gift cards'

Edward Banez kasama ang kanyang pinakamamahal na ina

SALUDO ang dating newscaster-researcher at Star Magic artist na si Eduard Banez sa lahat ng Filipinong nanay, lalo na sa mga inang OFW sa buong mundo.

Para kay Edward, isang napakahalaga at makabuluhang okasyon ang Mother’s Day celebration kada taon na nagsimula pa multi-century ago dahil sa hindi mapapantayang pagmamahal ng mga ina sa kanilang mga anak.

Kuwento ng Nickelodeon star, sa kanyang journey sa United States nakahalubilo niya ang ilang Pinay na OFW roon na may iba’t ibang makabagbag-damdaming kuwento patungkol sa kanilang pamilya at mga anak.

Baka Bet Mo: Edward kay Maymay: From the bottom of my heart, I’m really sorry…

Marami sa mga ito ay nangibang-bansa at piniling mahiwalay muna sa kanilang mga mahal sa buhay upang magtrabaho at kumita para mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eduard Banez (Saint) (@eduardbanez14)


Isa ang Mother’s Day celebration sa talagang inaabangan ng halos lahat ng pamilyang Pinoy saan man sa mundo.

Kaya naman naniniwala si Edward na karapat-dapat lang parangalan at bigyang-pagkilala ang lahat ng mga ina sa lahat ng paghihirap at sakripisyong ginagawa ng mga ito para lamang mapaligaya at maitaguyod ang kanilang pamilya.

Nitong nagdaang Araw ng Mga Ina ay nag-bonding daw ang kanilang pamilya at isa ito sa talagang ite-treasure niya habang siya ay nabubuhay, “I gave my mom chocolates and gift cards, and dinner with my dad in a restaurant.”

Nang iwan ni Edward ang kanyang career sa Pilipinas, nabigyan naman siya ng ilang projects sa US na may kaugnayan pa rin sa showbiz.

Nakatrabaho na niya ang ilang international singers doon tulad nina Ed Sheeran at Justin Bieber sa ginawang music video ng mga ito bilang backup character. Nakasama rin siya sa pagbuo ng music video ni Sia para sa “Chandelier”.

Looking forward na rin si Edward na makabalik ng Pilipinas at umaasa siya na sa pag-uwi niya sa bansa ay makagawa rin siya ng teleserye at pelikula dahil isa rin sa passion niya ang pag-arte sa harap ng mga camera.

Nickelodeon star Eduard Bañez nakaranas ng diskriminasyon sa US, gustung-gusto nang umuwi ng Pinas, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating news anchor Eduard Bañez planong balikan ang showbiz career sa Pinas; nakatrabaho sina Justin Bieber at Sia sa US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending