Fans inireklamo ang sobrang mahal na presyo ng ticket sa ‘All-Star Games 2023’ ng Star Magic, Ogie Diaz nag-explain kung bakit
TRENDING nu’ng isang araw ang “Star Magic Buwaya” dahil nga sa inirereklamong mahal na tickets sa All Star Games 2023 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Mayo 21.
Ang presyo kasi ng mga ticket ay P10,000 para sa courtside, P4,000 sa patron, P2,000 naman sa lower box, P800 sa upper box at P150 naman ang general admission.
Nakatanggap kami ng tawag mula sa ilang fans na ayaw nang ipabanggit ang mga pangalan na sobrang taas naman daw ng presyo ng tickets bukod pa sa kailangan mong bumoto for P100 good for 100 votes para ang camera ay nakatutok lang sa artistang sinusuportahan.
“Grabe po ang presyo sobrang mahal naman, e, karamihan naman sa supporters ng artista ay estudyante!” ang angal sa amin ng isang fan.
Ito rin ang topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa “Showbiz Update” vlog nila na in-upload kagabi.
View this post on Instagram
Ang sabi ni Ogie, “Kaya nga po may pinamimiliang tickets kung saan nababagay ang budget mo, ‘yun ang pipiliin mo. Gusto mong ng courtside, e, kapos ang budget mo hindi aabot ng 10,000. Kung aabot sa 4,000, e, di doon ka sa patron.”
“‘Yung iba kasi nalalakihan bakit daw ang laki ng bayad. Una, mahal ang upa o renta sa MOA, that’s more than P500,000 tapos siyempre ang dami pang plus-plus ‘yan.
“Tapos may production staff pa ‘yan na babayaran tapos ang dami-dami namang big stars. May pair 1 ibig sabihin mga sikat, pair 2 medyo-medyo sikat, ‘yung pair 3 ay mga newcomers at buong maghapon ‘yun 1 p.m. to 8 p.m.,” paliwanag pa ni Ogie.
Baka Bet Mo: Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?
Say naman ni Mama Loi, “Compare naman sa ibang mga pinupuntahan na meet and greet lang ng Korean stars, di ba? Mas mahal pa yata dito ‘yung tiket (K-Pop). Ito (All Stars) mahaba ‘yung length na mag-stay ka ron, hindi lang two hours show.”
Ayon ulit kay Ogie, “Oo, di ba, kapag may mga fan meet ang mga Koreano dito, dyusko bakit daw ‘yung iba sumusuka talaga at willing sumuka ng P17,000 para sa fan meet, e, mga two hours lang naman daw iyon? E, ito (All Stars) 1 to 8 p.m., masama pa ba?
View this post on Instagram
“Ganu’n lang talaga ang buhay. Pag may reklamo, e, di ‘wag sumugod. Pag hindi kaya, e, di ‘wag ding sumugod. O kaya magpalibre sa iba, ‘yung may kapasidad na magbayad ng ticket, e, ang dami naman all star cast (100 atars).
“Ewan ko ba bakit naging buwaya ang Star Magic! Siguro pinagkaisahan nila para mag-trending. Kaya lang parang half day lang nag-trend tapos nawala rin daw.
“If you look at the brighter side parang na-curious tuloy ‘yung iba na pinag-uusapang Star Magic Buwaya, e, di inaalam tuloy ng mga tao na, ‘ay meron pala silang all star games, o di lalong na-promote ‘yung show, di ba? Maghapon naman ‘yan masusulit naman ang inyong panonood,” sabi pa ni Ogie.
Hirit naman ni Mama Loi, “amAt saka ‘Nay may mga production numbers, may mga half time presentation kaya hindi lang laban ng mga artista ang mapapanood, mayroon ding iba’t ibang production numbers for you entertainment.”
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ng Star Magic tungkol sa reklamong ito ng mga fans.
‘Taong-buwaya’ na nakahubad at may abs pagala-gala sa Metro Manila, inakalang si Ruru Madrid
#Pabibo: Xian Lim nasugatan sa ulo matapos magpa-picture sa bunganga ng buwaya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.