Rayver nangakong hindi iiwan si Julie Anne, pakilig na birthday message: 'Thank you for the infinite magic we share every single day' | Bandera

Rayver nangakong hindi iiwan si Julie Anne, pakilig na birthday message: ‘Thank you for the infinite magic we share every single day’

Reggee Bonoan |May 17,2023
facebook
share this

Rayver nangakong hindi iiwan si Julie Anne, pakilig na birthday message: ‘Thank you for the infinite magic we share every single day’

Reggee Bonoan - May 17, 2023 - 10:25 AM

Rayver nangakong hindi iiwan si Julie Anne, pakilig na birthday message: 'Thank you for the infinite magic we share every single day'

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

KAARAWAN ngayong araw, Mayo 17 ni Julie Anne San Jose at 29 years old na siya.

Sa Instagram account ni Rayver Cruz ay ipinost nito ang mga larawang magkasama sila ni Julie Anne at sabay bati sa kanyang girlfriend.

“On this day, the love of my life was born. Thank you for the infinite magic we share every single day. Know that I’ll always be by your side every step of the way, through everything.

“May you continue to be a blessing not just to me but to everyone. Happy Happy Birthday my love.  Super proud of you always! I love you!!!” ang mensahe ng aktor sa dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Sagot naman ng TV host at aktres, “Aww you’re the best! Thank you my love, I love you.”

Unang bumati kay Julie ang pinsan ni Rayver na si Sunshine Cruz, “Happiest Birthday @myjaps.”

Sinagot naman kaagad ito ng dalaga ng, “@sunshinecruz718 thanks ate Shine.”

Hindi naman nagpahuli ang kaibigan ng JulieVer, ang aktor na si EA Guzman, “Happy Birthday brodieeee!!! @myjaps pa Jollibee ka naman pls haha.”

Napansin naman ng supporters ng singer-actress ang sinabi ni Rayver mula kay @booooyyyyeeeehhhh2, “Yun nag I love u na! happy bday Julie.”

Hindi naman nakalimot ang kuya Rodjun Cruz ng aktor, “Awwwwww  wohooo!!! Happy birthday Julie! We love you @myjaps . God bless you always.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Nag-thank you ang soon to be hipag ni Rodjun, “@rodjuncruz thank you kuya love you guysss.”

Maraming netizens ang bumati pa kay Julie Anne at isa-isa niya itong pinasalamatan lahat.

Baka Bet Mo: Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’

Anyway, hindi pa iniri-reveal ni Rayver kung ano ang regalo niya sa babaeng pinakamamahal niya, tanda namin noong nakaraang taon ay isang piano ang ibinigay niya sa aktres. Ano nga kaya this time?

* * *

Sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino hit aksyon serye na “The Iron Heart” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez kaya naman umani na ito ng 200 milyong views sa Tiktok, Facebook, at Instagram mula Enero hanggang Abril ng taong ito.

Tututok na nga ang viewers sa kahihinatnan ng storya ni Apollo sa kanyang planong pagpapabagsak sa lider ng sindikatong Tatsulok na si Priam (Albert Martinez).

Nakakuha rin ang programa ng higit 20 milyong views sa YouTube nitong Marso at pasok din ang #TheIronHeart sa trending topics ng Twitter linggo-linggo dahil sa world-class nitong action scenes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


Sa pagpapatuloy ng kwento, isiniwalat na ni Apollo kay Priam ang kanyang nalalaman sa ‘Iron Heart’ project. Inakala nga ni Apollo na magtatapos na ang kanyang buhay ngunit swinerte siyang nakaligtas matapos dumating ang CIB.

Ngunit palaisipan pa sa manonood kung talagang nasa mabuting kamay na si Apollo ngayong nasa pangangalaga siya ni Menandro (Ian Veneracion).

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman nayanig si Priam sa nalamang may sanggol na nakaligtas sa naunsiyaming ‘Iron Heart’ project dahil ipagpapatuloy pa rin niya ang nasimulan na proyekto.

Malaman kaya ni Priam na si Apollo ang nasabing sanggol na nakaligtas? Ano naman kaya ang balak ni Menandro kay Apollo?

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending