Slater Young basag na basag kay Rendon Labador: ‘Respeto sa mga kababaihan…huwag kang mandamay’
BINOLDYAK nang bonggang-bongga ng motivational speaker na si Rendon Labador ang dating aktor at content creator na si Slater Young.
Ito’y dahil pa rin sa sinabi ng “Pinoy Big Brother” winner na “very normal” lang sa mga lalaki na nagpantasya ng ibang babae kahit na may karelasyon na ang mga ito.
Matapang na kinontra ni Rendon ang mga naging pahayag ni Slater at ipinamukha pa rito ang kanyang maling pananaw sa pagtawag dito ng “Tanga.”
Sa kanyang Facebook account, sinagot ni Rendon si Slater at walang patumanggang binigyan ito ng “motivational talak.”
“Huwag kang mandamay! Normal lang ‘yan sa mga bastos na lalake at mga lalaking walang direksyon at purpose sa buhay.
“Unfocused weak men tend to distract themselves with pleasure.
“Bottomline: Tanga si Slater Young,” ang diretsahang komento ni Rendon na umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens. May mga nag-agree sa kanya pero meron ding kumontra.
Bukod dito, ni-repost pa niya ang isang Facebook post sa kanyang FB page patungkol nga sa naging banat niya kay Slater at nilagyan ng caption na, “Respeto sa mga kababaihan. Kung bastos ka Slater Young huwag mo ng i announce ang katangahan mo.”
Baka Bet Mo: Slater Young hiyang-hiya sa naging comment tungkol sa mga lalaking may dyowa na pero nagpapantasya pa ng ibang babae
Nauna rito, humingi na ng sorry si Slater sa mga naging pahayag niya tungkol sa pagpapantasya ng mga lalaking may dyowa na sa ibang babae. Hiyang-hiya raw talaga siya sa mga pinagsasabi niya.
“It’s been a hard few days. It’s been an eye-opening few days. Sometimes, you think that you did something OK and it takes a little while for it to sink in na, ‘Oo nga ‘no. Mali pala talaga ako.’
“Kasi siyempre pag merong mga comments and merong mga reactions na parang ina-attack ka your first instinct is to be defensive.
“And I finally realized na, ‘Oh my God, I really made a mistake,’ because I’m giving it power na, to say it’s okay, and me saying it’s normal, kind of normalizes it and makes it okay.
“The last thing in my mind and my heart would be to objectify women,” depensa pa niya.
Dagdag pang pahayag ni Slater, “I should’ve called it out na parang, ‘Ah it happens, but this isn’t ok, we should hold ourselves to a higher standard.’ When sa akin, like, ‘Oh it happens, don’t worry about it.’ ‘Yun ‘yung sinabi ko.”
Sey pa niya, isang learning experience ang natanggap niyang pambabatikos mula sa publiko, “When I read the articles about the issue, I don’t feel angry, I feel ashamed na parang nako-quote ako ng ganyan and parang, ‘Ah, this is not me and I wish I could take it back.’
“I know for a fact that I said that. Like nahiya talaga ako,” aniya pa.
Related Chika:
Kryz Uy, Slater Young may marriage advice sa madlang pipol: Give 5 second hugs
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.