Direk Lauren ibinandera ang 'paggiba' ng bahagi ng PBB House

Direk Lauren Dyogi ibinandera ang ‘paggiba’ ng kalahating parte ng PBB House: It’s an end of an era…

Reggee Bonoan - May 14, 2023 - 10:23 AM

Lauren Dyogi ibinandera ang 'paggiba' ng kalahating parte ng PBB House: It’s an end of an era...

PHOTO: Screengrab from Instagram/@direklauren

Pagkalipas nang 17 years ay ginigiba na ang kalahating parte ng Pinoy Big Brother House na matatagpuan sa Scout Albano Street na ngayo’y Eugenio Lopez Drive, Diliman Quezon City.

Ito ang ibinandera ng Head of ABS-CBN TV Production at Star Magic na si Direk Laurenti Dyogi sa kanyang Instagram account nitong Sabado (May 13) ng gabi.

Ang caption niya, “This afternoon, May 13,2023 I was able to visit the Pinoy Big Brother House because @raymdizon (Business Unit Head Raymund Dizon) informed me that we will start the demolition of one half of the PBB House which we built at the start of Pinoy Dream Academy about 17 years ago, in 2006.”

“After 2 seasons of PDA, it became our House B which had our offices, brainstorm space, pantry, hosts’ dressing rooms, mini studio with control room and living quarters specially during the last two ‘lock-in seasons.’ This part of the house has lots of good memories and even scary experiences,” chika pa niya.

Magtatapos na pala ang lease contract ng nasabing lugar kaya kinakailangan na itong bitawan ng Kapamilya network.

Baka Bet Mo: PBB house sa ABS-CBN tuluyan na nga bang gigibain?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DirekLauren (@direklauren)

Sa pagpapatuloy ni direk Lauren, “we needed to give up this part of the PBB house as our lease has expired this year and it is impractical to renew it. We still have the main PBB house and control room which hopefully we still get to use for the next PBB edition. This original house was built in 2004 and is 18 years old. It has become iconic and a landmark in the area.”

Dagadag niya, ““Thank you everyone from our staff, crew, hosts, and ex-housemates and all supporters who are all part of this rich history of PBB and of Pinoy pop culture. Special thanks to Ms. Linggit Tan for starting it all [happy face emoji] Salamat ng marami lola LT [happy face emoji].”

“It’s an end of an era but hopefully we move on and find a better home in the future!,” aniya pa.

Sa kasagsagan ng PBB noong may prangkisa pa ang ABS-CBN, kapansin-pansin na laging may maraming taong nagpapa-picture sa tapat ng Bahay ni Kuya.

Tila kasama na rin ito sa itinerary kapag may field ang mga estudyante dahil sa araw-araw na dumadaan kami sa bahay ni Kuya, may mga nakikita rin kaming mga bus na nakahinto .

Totoong naging iconic at landmark ang PBB house dahil kapag may mga kaibigang magkikita na nanggaling sa malayong lugar ay ito ang kanilang tagpuan.

Samantala, kinunan naman ni direk Lauren ng video ang paggiba sa nasabing bahay na ayon sa kanya ay matagal niya itong hindi napuntahan.

Isa-isa rin niyang ikinuwento ang bawat kuwarto na kung saan sila nagmi-meeting/brainstorming, post prod, kitchen at iba pa.

Mapapanood sa video na naabutan pa ng TV executive ang  mga taong nagtatanggal ng kisame.

Dahil diyan at napahinto ang mga ito sa paggawa, ngunit sinabihan sila ni Direk Lauren na, “sige ‘nak, ituloy mo lang.”

Tila nagulat naman ang isang lalaki at tinanong siya, “Kayo po yata si Big Brother?”

Samantala, aabutin ng isang buwan para matapos ang paggiba ng nasabing PBB house.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rosmar Tan ‘pinakamalakas’ maging ninang, nagregalo ng kalahating milyon sa bagong kasal

Lauren Young: Hindi pa ako buntis guys, pwede bang nag-quarantine weight lang nang konti?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending