Lauren Young: Hindi pa ako buntis guys, pwede bang nag-quarantine weight lang nang konti? | Bandera

Lauren Young: Hindi pa ako buntis guys, pwede bang nag-quarantine weight lang nang konti?

Ervin Santiago - October 13, 2021 - 08:58 AM

Megan Young at Lauren Young

INIALAY ng Kapuso actress na si Lauren Young ang bago niyang mini-series sa GMA na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa pumanaw niyang lola.

Napakahirap ng naging sitwasyon ng dalaga noong sumabak siya sa lock-in taping para sa nasabing serye dahil ito rin yung mga panahong nagluluksa ang kanyang pamilya sa pagkamatay ng kanyang lola.

“It was very hard, to be honest. During the time na nag-lock in kami, I lost my lola, so I was grieving during that time. 

“But, I was very lucky to be surrounded by these people because they really supported me,” pahayag ni Lauren sa nakaraang virtual presscon ng “Never Say Goodbye.”

Pagpapatuloy pa niya, “In between takes, kami ni Direk Pam (Paul Sta. Ana), bigla akong titigil, sasabihin ko, ‘Direk, wait lang. Iiyak lang ako sa banyo saglit tapos babalik ako trabaho na ulit tayo.’ 

“I really struggled with having to turn it on and off because I was very sensitive. But I just know my Lola was watching over me and guiding me because I’m very proud of what I’ve done for this teleserye and I dedicate it to her,” lahad ng dalaga.
Sey pa ng aktres, super close talaga sila ng kanyang lola dahil ito rin daw ang nagpalaki sa kanya, “She was like a mother to me.” 
Samantala, halos dalawang taon ding nawala sa eksena ang kapatid ni Megan Young kaya naman super excited siyang magtrabaho uli. Todo ang pasasalamat niya sa GMA dahil napakaganda ng ibinigay sa kanya na comeback project.

Makakasama ni Lauren sa ikalawang kuwento ng “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sina Jak Roberto at Klea Pineda. Ka-join din dito sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene Budol, Kim Rodriguez, Luke Conde, Shermaine Santiago at Phytos Ramirez.

Mapapanood na ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” sa Lunes, Oct. 18, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, inamin naman ni Lauren na sawang-sawa na siyang sagutin ang ilang mga isyu na ibinabato lagi sa kanya, tulad ng palaging tanong ng netizens kung totoong buntis siya. 

Sa guesting niya sa “Mars Pa More” pinapili ang aktres kung anu-ano ang mga isyu tungkol sa kanya na nakakasawa nang sagutin, “Hindi ko pinili ‘yung pagkumpara kay Megan because my sister is someone na I look up to. 

“So every time kino-compare ako sa kanya, actually I think it is a compliment kasi ang dami niyang na-achieve and I’m proud of her. I don’t mind at all. 

“‘Yung pagbubuntis. I think…hindi pa ako buntis guys! Puwede bang nag-quarantine weight lang ako nang konti?” natatawang chika pa ni Lauren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, “Malalaman at malalaman n’yo naman. Kayo (Mars Pa More hosts) ang unang makakalaman guys, kasi ipo-post ko sa Instagram ko.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending