PBB house sa ABS-CBN tuluyan na nga bang gigibain? | Bandera

PBB house sa ABS-CBN tuluyan na nga bang gigibain?

Reggee Bonoan |August 11,2021
facebook
share this

PBB house sa ABS-CBN tuluyan na nga bang gigibain?

Reggee Bonoan - August 11, 2021 - 03:40 PM

“A NEW community will rise soon!”

Ito ang nakapaskel sa harap ng “Pinoy Big Brother” house sa may Scout Albano, Quezon City katapat ng ABS-CBN building at palaisipan sa mga dumadaan doon kung gigibain na ba ang Bahay ni Kuya.

Ibig sabihin ba ay mawawala na ang PBB house? Oo nga, gagawin ba itong mala-subdibisyon dahil sa terminong “community” na ibig sabihin ay mas malaki ang sasakupin nito para sa pagbubukas nila ng season 10 late this year.

So, ano na ang magiging pangalan nito kapag tinanggal na ang Bahay ni Kuya?

Sobrang lakas pa rin kasi at malaki ang kinita ng nakaraang “PBB” season 9 through KUMU na talagang sinubaybayan ng marami kahit noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

Hmmmm, baka naman ang mangyayari since KUMU na ang producer ng “PBB” season 10 ay magiging KUMU House na ito?

Abangan na lang nating lahat ang bagong pangalan ng “Pinoy Big Brother” house.

* * *

Gamit na gamit ni Magda (Erich Gonzales) ang bago niyang ganda dahil walang patid ang pang-aakit at panlilinlang niya kay Adrian (JC De Vera) sa “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pagkatapos ang pagpaparetoke niya ng mukha, target ngayon ni Magda na paibigin si Adrian, ang nag-iisang anak nina Vanessa at Lucas Narciso, ang mga pinakamalupit niyang kaaway na nagpahirap sa kanya. 

Ito ang pakana ni Magda para makakuha ng mahalagang impormasyon tungkol sa negosyo ng mga Narciso at para na rin maplano nang maayos ang pagpapabagsak sa kanila.

Kasama naman si Ramona (Janice de Belen), nailunsad na ang bagong kumpanya nila ni Magda na M&R, ang kakalaban sa Royal Wellness ng mga Narciso.

Sa kabila nito, plantsado na ang mga plano ni Magda dahil hindi pa rin nabubuko ni Adrian kung sino talaga siya, at wala ring alam ang mga Narciso na si Magda ang may-ari ng bago nilang kalaban sa negosyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ang susunod na gagawin ni Magda para makapaghiganti? Tuluyan na kayang mahulog si Adrian sa bitag ni Magda? Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending