Mayonnaise may ‘libreng’ concert, nagdiriwang ng 20th anniversary

Mayonnaise may ‘libreng’ concert, nagdiriwang ng 20th anniversary: We want to give our fans what they truly deserve!

Pauline del Rosario - May 13, 2023 - 05:08 PM

Mayonnaise may ‘libreng’ concert, nagdiriwang ng 20th anniversary: We want to give our fans what they truly deserve!

Mayonnaise

MAY bonggang pasabog ang Pinoy alternative rock band na Mayonnaise para sa kanilang fans!

Ito ay kaugnay pa rin sa kanilang 20th anniversary concert tour na nag-umpisa pa late last year.

At dahil matatapos na sa darating na May 20 ang kanilang serye ng pagtatanghal, magkakaroon ng libreng concert ang banda para sa kanilang fans.

Pinamagatan itong “MAYO 20: The Finale” na magaganap sa Quezon City Circle ng 5 p.m.

Ayon sa Mayonnaise, asahang kakantahin nila ang ilan sa mga sikat nilang kanta.

Baka Bet Mo: SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na ‘Jopay’

Ito rin daw ang kanilang paraan at pasasalamat sa mga ibinibigay na suporta ng fans sa kanila.

“I’m honestly surprised that we’ve made it this far,” sey ng Mayonnaise frontman na si Monty Macalino.

Dagdag pa niya, “MAYO 20: The Finale is more than just a celebration of longevity and all the great things that have happened to us.”

“We want to give our fans what they truly deserve, and we want to return the favor by going all out with our performance,” patuloy pa ng bokalista.

Ani pa niya, “We will always be forever grateful to them for showering us with unconditional love and support.”

Bukod sa nasabing banda, magpe-perform din sa nasabing concert ang ilang OPM artists kagaya nina Barbie Almalbis, Champ Lui Pio of Hale, Sud Ballecer (Sud), Argee Guerrero (I Belong To The Zoo), at Josh Villena (Autotelic).

Libre lang ang concert para sa general admission, ngunit may bayad na P1,000 ang VIP pass na may kasamang official shirt.

Related Chika: 

Robinhood Padilla nais gawing legal ang paggamit ng medical marijuana

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga nagre-ready na para sa concert: Thank you Jesus!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending