Meralco nagtaas ng singil sa kuryente ngayong Mayo

Meralco nagtaas ng singil sa kuryente ngayong Mayo

Pauline del Rosario - May 13, 2023 - 12:55 PM

Balita featured image

DAHIL sa pagtaas ng generation charges, nag-announce ang Manila Electric Co.’s (Meralco) ng pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo.

Ang itinaas ay nasa P0.1761 per kilowatt-hour (kWh).

Ibig sabihin, mula sa P11.3168 per kilowatt-hour noong Abril ay tumaas ito ng P11.4929 kada kWh ngayong buwan.

Inaasahan na ang residential customers na gumagamit ng 200 kWh sa isang buwan ay may dagdag na P35 sa kanilang kabuuang electric bill.

Baka Bet Mo: Vice idinaan sa joke ang pagkawala ng kuryente sa ‘Showtime’: Change power kasi binenta ‘yung transmitter!

Ang mas mataas na presyo sa “spot market” at “power supply agreement (PSA)” ang nagdulot ng pagtaas ng generation charge na umabot sa P7.6697 per kWh – mast mataas sa dating P7.3295 per kWh noong nakaraang buwan.

Para sa kaalaman ng marami, ang generation charge ay tumutukoy sa binayarang supply ng kuryente na nagmula pa sa mga supplier.

Matatandaang nagtaas din ng singil sa kuryente noong Marso matapos pansamantalang isinara ng dalawang linggo ang Malampaya field.

Dahil sa ginawang maintenance, napilitan ang Meralco na gumamit ng mas mahal na alternative fuel upang makapag-supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

SB19 bidang-bida sa Korean docu, Pinoy fans super proud: ‘Our national pride!’

Madam Inutz umabot sa mahigit P32k ang bill sa kuryente: ‘Wala talaga akong karapatang magpahinga!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending