Meralco magtataas ng singil sa kuryente ngayong Marso

INQUIRER file photo
IPAPATUPAD ng Manila Electric Company (Meralco) ang dagdag-singil sa kuryente ngayong Marso.
Sa inilabas nilang abiso nitong Martes, March 11, ipinabatid nito sa mga konsyumer na magpapatupad sila ng taas sa singil ng kanilang household rate ng P0.2639 kada kWh.
Aabot na ang singil ng Meralco ng P12.2901 kada kWh ngayong Marso mula sa dating P12.0262 kada kWh lamang noong nagdaang buwan.
Ibig sabihin, dagdag P53 sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan, P79 sa mga tahanang nakakagamit ng 300 kWh, P106 sa mga nakakagamit ng 400 kWh at P132 sa mga nakagagamit ng 500 kwh kada buwan.
Baka Bet Mo: ERC, sapul kay TOL sa power rate reset ng Meralco
Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng singil sa kuryente ay dahil sa kawalan ng one-time downward adjustment sa reset fee, na katumbas ng P0.2264 kada kWh para sa mga customers na ipinatupad noong February, alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Nakadagdag rin dito ang upward adjustment na P0.1294 kada kWh at pagtaas sa transmission charge para sa residential customers. It ay dulot ng mas mataas na ancillary service charges na natamo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
“This month’s transmission charge also includes the second of three installments of February and March 2024 reserve market transactions for Luzon that ERC directed NGCP to collect,” sey ng Meralco.
Ngayong buwan nakatakdang mag-reflect ang P0.0351 kada kWh na increase sa Feed-in Tariff Allowance (FIT-All) kasunod ng directive ng ERC na ipatupad ang bagong FIT-All na P0.1189 kada kWh simula ngayong buwan mula sa dating rate na P0.0838 kada kWh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.