Cherry Pie ‘proud nanay’ kay Coco: ‘Hindi lang bilang artista pero bilang tao, lumaki siya nang tama’
PROUD na proud si Cherry Pie Picache sa narating at sa estado ngayon sa mundo ng showbiz ng “anak-anakan” niyang si Coco Martin.
Emosyonal na nagbahagi ng kanyang mensahe si Cherry Pie para sa tinaguriang Kapamilya Teleserye King sa naganap na presscon ng “FPJ’s Batang Quiapo” last Thursday, April 4.
Gumaganap bilang mag-ina sina Cherry Pie at Coco sa nasabing primetime serye bilang sina Marites at Tanggol at sabi nga ng magaling na aktres, grabe ang paghanga niya sa aktor at direktor.
“Si Direk Coco, anak-anakan ko na yan e, matagal na. So, bilang nanay-nanayan niya, kahit hindi sa industriya, kahit sa totoong buhay, kahit sinong magulang will be so proud kapag nakikita mo anak mo lumalaki nang mahusay, tama, mabuti, magaling.
“I’m just so proud of him, hindi lang bilang artista pero bilang tao,” sey pa ng aktres.
View this post on Instagram
Pinuri rin ni Ms. Pie ang mga magulang ni Coco, “Lumaki siya nang tama tapos mas lalong nag-i-improve. Hindi lang sa pagiging creative niya as artitst, e, kundi bilang tao talaga. So, sobrang happy ako. I’m so proud of him.”
Proud “nanay” din siya dahil talaga raw napakaraming natutulungan ni Coco sa showbiz industry, “Nagpapasalamat ako kasi katulad ng sinabi ng mga kasamahan namin dito, including me, ang dami-dami niyang taong natutulungan.
Baka Bet Mo: Edu, Cherry Pie naging magdyowa na 20 years ago: Tahimik lang kami noon, it was almost a year
“Ang dami niyang nabibigyan ng oportunidad. Ang pinakamasarap pa, siya ang pinakapagod sa amin, pero yung energy niya doon kami lahat humuhugot.
“So, minsan kahit pagod ka na, hindi ka puwede magreklamo kasi artista ka lang. E, siya direktor, artista, sumusulat, mas marami pang iniintindi ng pangkalahatan. Grabe!” pahayag pa ni Cherry Pie.
Samantala, naniniwala si Coco na kaya patok na patok ngayon ang “Batang Quiapo” ay dahil talagang nakaka-relate ang mga manonood sa kuwento nito at sa mga karakter na bumubuo sa serye.
View this post on Instagram
“Halos lahat ng tao ngayon sa pinagdadaanan ng mundo, nakaka-relate sila sa bawat kwento ng bawat pamilyang umiikot sa bawat character ng Batang Quiapo,” sabi ni Coco.
Sabi naman ng kanyang leading lady na si Lovi Poe, pamilya na raw ang turingan nila sa buong production na nakikita talaga ng mga manonood.
“Para talagang kaming totoong pamilya, kasi nung umpisa, siyempre, parang nagkakapaan pa kami, hindi pa kami magkakakilala pero as time goes by sa sobrang gaan lahat ng katrabaho namin.
“Kaya umaabot din at nagre-resonate rin sa audience dahil punong-puno ‘to ng pagmamahal,” pahayag ni Lovi.
Napapanood pa rin ang “FPJ’s Batang Quiapo” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa lahat ng ABS-CBN platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.