TikToker na nagtuturo ng sign language viral na, pino-promote ang advocacy ng deaf community
BILANG usong-uso sa panahon ngayon ang TikTok, naiisip niyo ba kahit minsan kung nakakagamit ng nasabing app ang mga deaf community?
Ang sagot diyan, oo kayang-kaya rin nilang mag-TikTok!
Isang halimbawa na riyan ang viral na deaf content creator na si Erline Grace Maniquis o mas kilala bilang “DEAFinitely Beautiful.”
Ang kanyang layunin sa paggawa ng content sa nasabing video sharing app ay magturo ng “Sign language” sa maraming tao.
Na-interview ng INQUIRER.NET ang ina ni Erline na si Erlinda Maniquis at naikwento niya na natuklasan nilang bingi ang kanyang anak noong bata pa ito.
“Si Erline, mga eight months siya parang napansin namin walang response kapag ay tumutunog,” sey ni nanay Erlinda.
Patuloy niya, “Minsan nagto-throw kami ng mga bagay sa likod niya tapos wala, hindi siya lumilingon.”
Baka Bet Mo: Joshua shookt sa atensyon ng K-pop idols dahil sa viral TikTok videos: ‘Nagulat ako! Ang sarap sa pakiramdam!’
“So we decided na ipatingin nalang sa doktor ‘yung kanyang condition. Tapos ‘yun nga, ang mga result noon ay puro no response,” aniya pa.
Nabanggit pa ni nanay Erlinda na natutong mag-sign language ang kanyang anak matapos niyang ipasok sa isang eskwelahan na para sa mga deaf.
Nag-umpisa raw ito noong 5 years old pa lamang ang content creator at tinatiyaga raw nila ito kahit malayo sa kanilang bahay.
Avid fan ng pagti-TikTok si Erline hanggang sa naisipan na niyang gumawa ng contents na pino-promote ang adbokasiya ng deaf community.
Kwento ni nanay Erline, “Dati nag-start siya magtingin-tingin ng mga video. Tapos naisipan niya kung paano daw sa deaf, so nag-try siya.”
“Tapos simula ‘nung dumadami na ‘yung nagtatanong sa kanya, parang lalo siyang naengganyo na gumawa pa ng video. Hanggang sa ayun dumami na ‘yung nanonood sa kanya,” sambit pa niya.
Paliwanag pa ni mommy, “Gusto niya kasi ngayon ‘yung FSL (Filipino Sign Language) ang gamitin dito sa Pilipinas. Kasi normally sa school ASL (American Sign Language) ang ginagamit. Word for word kasi ‘yun. Kasi ‘yung FSL parang mga shortcut ba.”
“Parang pinu-push nila ‘yun ng mga nasa deaf community. So ‘yun ang advocacy niya para maintindihan din ng mga hearing, para madaling makipag-communicate sa kanya,” ani ni nanay Erlinda.
As of this writing, mayroon nang mahigit 100k followers si DEAFinitely Beautiful sa TikTok.
Ang kanyang videos naman ay umaani na ng mahigit 3 million likes.
Related Chika:
Alden isa sa mga ‘sign’ na natanggap ni Kuya Kim kaya lumipat na sa GMA 7
5 zodiac sign na super lucky sa 2023; Master Hanz nag-share ng pampaswerte tips sa Bagong Taon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.