OCTA: COVID-19 positivity rate sa bansa tumaas pa

OCTA: COVID-19 positivity rate sa bansa tumaas pa, Metro Manila lumobo na sa 19.7%

Pauline del Rosario - May 05, 2023 - 04:20 PM

Balita featured image

MUKHANG lalo nakakabahala ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nahahawaan ng virus sa ating bansa.

Mula kasi sa naitala noong April 25 sa Metro Manila na 12.7% ay lalo pa itong tumaas sa 19.7% ngayong May 2.

Ayon din sa independent pandemic monitor na OCTA Research, bahagyang tumaas din ang positivity rate sa buong bansa na mula sa 15.2% ay naging 17.1% na ito ngayon.

Babala ni OCTA fellow Guido David, posible pang tumaas sa mga susunod na araw ang bilang ng mga nagkakahawaan ng virus.

“This could go as high as 25 percent. I hope not,” sey ni David.

Dagdag pa niya, “There is a chance it could reach 25 percent within 1 week or so.”

Para sa kaalaman ng marami, ang itinakdang positive rate benchmark ng World Health Organization (WHO) ay below 5%.

Baka Bet Mo: Unang kaso ng ‘Arcturus’ naitala sa Western Visayas, pasyente gumaling na –DOH

Ibig sabihin niyan, lumagpas na tayo nang sobra sa nabanggit na benchmark ng WHO.

Bagamat dumadami ang kaso ng COVID-19, dumami pa rin ang mga bakanteng hospital beds.

Sa latest report ng OCTA, nasa 24.7%  ang hospital bed occupancy rate sa Metro Manila noong May 2.

Mas mataas ‘yan kumpara sa 22.5% na naitala noong April 25.

As of May 2, aabot na sa 7,562 ang active cases o patuloy na nagpapagaling sa nasabing virus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read more:

Chynna Ortaleza super insecure noon sa itsura at katawan: Pero dahil sa body positivity, I have stopped padding my chest

Alden, Dennis, Heart, Carla ‘King & Queen’ ng GMA primetime, waging-wagi sa ratings game

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending