Elisse Joson kering-kering pagsabayin ang pagiging nanay at artista, proud na proud bilang working mom
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Elisse Joson at Felize de Leon
IN FAIRNESS, napagsasabay din nang bonggang-bongga ng Kapamilya actress na si Elisse Joson ang pagtatrabaho bilang artista at ang pagiging celebrity mommy.
Super thankful ang aktres, hindi lang sa kanyang partner na si McCoy de Leon, kundi pati na rin sa kanilang mga kapamilya na todo ang suporta sa kanila, lalo na pagdating sa anak niyang si Felize.
“McCoy is there, the dad is there, and our families are there to, kunwari busy ako at busy siya, nandiyan ‘yung families namin para kay Felize so ‘yun ‘yung maganda,” ang pahayag ni Elisse.
Kaya naman wala siyang masyadong problema o issue sa pagiging working mom, lalo na ngayong medyo nagsusunud-sunod ang kanyang mga projects sa ABS-CBN at Star Magic.
Ayon sa Kapamilya actress, challenging din talaga ang maging ina na isang matatawag na learning process para sa tulad niyang first-time nanay.
“Motherhood naman kasi hindi naman ‘yan isang snap you’ll be like a wonderful mother. Parang for me, what’s good about it is everyday I learn something new kung ano ‘yung magwo-work sa akin at kay Felize.
“I also learn to not be too hard on myself kapag iba ‘yung nakikita kong pamamaraan ng ibang nanay sa kung paano ko ginagawa.
“Motherhood is different for everybody and right now I’m enjoying it, especially now that she’s 2, ‘yun ‘yung stage na sweet sila.
“Nasa mommy phase siya na puro mommy ang tinatawag niya, I’m enjoying that and ‘yung sa work naman,” ang chika pa ni Elisse.
Super thankful and grateful din siya sa ABS-CBN dahil kahit medyo matagal siyang nawala sa eksena ay binigyan pa rin siya ng another chance para ipagpatuloy ang kanyang passion sa larangan ng acting.
“Parang bago pa rin until now ‘yung feeling of being a mother to me so it’s nice and I’m excited that I’ll be able to meet with mga moms that have been moms for a long time already para makakuha ako ng wisdom from them, insights, share stories, and siguro until now hindi pa rin ako nakikita ng mga tao as a mom.
“I think it’s normal kasi I started here young, from ‘PBB,’ being a teen, I think I’ll get there.
“‘Yung mga tinitingala natin na mga nanay like sina Ate Dimples (Romana). I think no rush for me naman din na ganun din ang makita sa ‘kin ng mga tao,” ang sey pa ng partner ni McCoy.
Dagdag pa niya, “Now I’m just happy that I’m still in Star Magic and nag-iba nga lang na I’m considered as a mom.
“In reality naman parang hindi naman ako pasok doon sa young mom, mukha lang kasi mukha lang akong bata, but ‘yung mga new generation of moms siguro that’s what I’d like to call it,” pagbabahagi pa ni Elisse.