Gumaganap na magnanay sina Beauty at Raphael sa upcoming GMA action-comedy series na “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis” na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla.
Last Monday, May 1, nag-start nang mag-taping ang cast members ng naturang programa kung saan kasama rin sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Maey Bautista, Angel Leighton, at Diego Llorico.
In fairness, first taping daw pa lang ay nakatanggap na agad ng bonggang regalo ang “Voltes V: Legacy” star na si Raphael mula kay Beauty na siyang gumanap na nanay niya sa “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis”.
Sa kanyang Instagram account, ichinika ni Raphael sa kanyang followers na niregaluhan siya ni Beauty ng Nintendo Switch hybrid video game console. May kasama pa itong tatlong video game cartridges.
Sey ng bagets sa caption ng kanyang IG post, “Hello Nay! thank you po sa first day gift taping. super happy ko po. #mamasboy #Happy1stDay #walangmatigasnapulissamatiniknamisis #soonongma.”
Sa comments section, nag-joke naman si Beauty sa post ni Raphael. Aniya, isa raw itong bribe, “Basta ‘pag nakita mo si Papa May kausap ibang chicks report mo ka agad sa akin anak ha.” Na ang tinutukoy ay ang karakter ni Sen. Bong sa kanilang serye.
Samantala, sa kanyang IG page, nag-share rin ang TV host-comedienne na si Maey ng mga litrato na kuha mula sa unang araw ng kanilang taping.
“So much fun, 100 percent energy and stage presence. Thank you God for our job! #HappyLaborDay #LaborDay #LaborDay2023,” ang caption ni Maey sa kanyang IG post.
Makakasama rin sa “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis” sina Max Collins Kate Valdez, Kelvin Miranda, Ronnie Ricketts, ER Ejercito at Dennis Marasigan.
Bilang paghahanda sa maaaksyon nilang mga eksena sa programa ay sumailalim ang ilang miyembro ng cast ng “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis” sa isang gun training.
Ito’y pinangasiwaan ng PNP Special Action Force kung saan tinuruan sina Beauty Gonzalez, Max Collins, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Angel Leighton, at Niño Muhlach ng tamang paggamit ng baril.
Isa-isang sumabak sa gun firing ang mga nabanggit na cast ng serye bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa nasabing programa.
Kinailangan nila itong gawin bilang preparasyon sa mga maaksyong eksenang gagawin nila sa muling pagbabalik-telebisyon ni Sen. Bong.