Antonette Gail sa mga nangba-bash sa pagpapagawa niya ng ilong: Katawan ko to, ako ang may control dito

Antonette Gail sa mga nangba-bash sa pagpapagawa niya ng ilong: Katawan ko to, ako ang may control dito
INALMAHAN ng social media personality na si Antonette Gail ang mga netizens na bumabatikos sa kanyang desisyong pagpapagawa ng ilong.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng vlogger ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng isang video hinggil sa ga komento ng netizens.

Pagkukwento ni Antonette, marami raw siyang nababasang comments mula sa netizens na negatibo patungkol sa ginawa niyang pagpapaopera.

“Hindi naman talaga maiiwasan ‘yun kasi hindi naman natin mapi-please lahat ng tao. Sabi nila hindi daw ako nakontento. Sabi sabi ko lang daw ‘yung naaksidente ako.

“Kung tutuusin wala talaga akong desisyon na magpaayos ng ilong… so one time nagkataon lang talaga na nadisgrasya ako kaya ko ipinaayos,” saad ni Antonette.

Naglabas rin ng resibo ang vlogger gaya ng kopya ng kanyang x-ray pati na rin ng larawan na kuha matapos ang aksidente kung saan nadale ang kanyang ilong.

Baka Bet Mo: Socmed personality Antonette Gail nagpa-surgery ng ilong matapos tumama ang mukha sa lamp shade; Whamos Cruz nakiusap sa bashers

Sey ni Antonette, “Bahala na kayo sa mga pinagsasabi nyo, hindi nman lahat ng tao ma-pi-please natin kahit ilang ulit ko sabihin naaksidente ako hindi kayo maniniwala edi wag.

“Tsaka katawan ko to ako yung me control dito kung ano yung mga gusto kong gawin.”

Deadma na rin si Antonette sa bashers dahil ang mahalaga raw ay naayos na ang kanyang ilong at mas magiging mabuti na ang kanyang paghinga.

“Bahala na kayo kung hindi kayo maniniwala basta ako masaya ako dahil naayos na ang ilong ko. Makakahinga na ako nang maayos pagkatapos nito.

“Noong naaksidente ako hindi talaga ako nakakahinga dahil yung buto ko sa gitna umusli at doon siya nagbabarado… pag tumagal kapag napabayaan ko siya magiging sinus siya, hindi na siya mawawala forever,” giit pa niya.

Hirit pa niya, “Hindi ko po kayo pinipilit [maniwala] kasi hindi naman lahat ng tao mapi-please natin.”

Related Chika:
Antonette Gail sa babastos at bababoy sa kanilang Baby Meteor: Ipaparanas ko sainyo maghimas rehas!

Antonette Gail ipinanganak na ang baby nila ni Whamos Cruz, sino kaya ang kamukha?

Read more...